Chapter Twenty One

408 15 2
                                    

CHAPTER TWENTY ONE. 

"A-axcel!? " nauutal na tanong ko. Tumakbo siya papalapit sa akin. Hapong hapo siya at obvious na kakagaling lang sa mahaba-habang byahe. Nanggaling nga kasi sila sa Boracay for tour and seminars. At dala -dala niya pa din ang bagahe niya at may isa pang malaking paper bag na punong puno. Nung makalapit siya saamin, tumingin muna siya ng masama dun sa dalawa kong kasama. Kaya ganun din yung ginawa nila kay Axcel. 

Luh! Nakakatakot! Parang nabalot tuloy kami ng electricity!! Kumikidlat ang mga sulyap nila sa bawat isa! 

Waahhh.. Ngayon ko lang napansin, yung tatlong lalaki sa buhay ko, nagkaharap-harap!! >.< Ganto pala feeling? Bakit parang anytime, feeling ko mabibisto ako sa mga pinaggagagawa ko sa kanila? 

"B -bakit ka nandito? Bat hindi ka pa umuwi?? Pagod ka diba? " tanong ko na nauutal dahil sa mix emotions na nadarama ko ngayon. Natatakot, naiilang, aware na baka mabisto ako, masaya na ewan dahil bumalik na din si Axcel.  

"Huh? Dinaanan na nga kita dito para lang makita kita, ayaw mo ba? Tinatakwil mo ko ee.." sabi niya na parang nangongonsensya pa. 

(?___?  ") Uh.. okay?? Anong isasagot ko? 

"No. I mean, kakagaling mo lang sa tour niyo. Pagod ka pa ee, nagsadya ka pa dito.. " pag eexplain ko. 

"Ee kasi nga, MISS NA KITA kaya pinuntahan kita dito. Tinext kita kaninang umaga pagkagising ko ah! Di mo man lang ako nireplyan :'(" sabi niya na diniinan pa yung word na 'miss na kita' tas nagpaawa epek pa sa dulo. 

Uh teka, oo nga pala nuh! Hehe di ko naintindi kanina yung text niya mehehe ^__^

"Ah surrii nomon! ^___^V " sabi ko tas nagpeace sign pa kaya kinurot niya yung pisngi ko.

"Okay lang :) Uh.. para nga pala sayo :) " sagot niya tas inabot niya sa akin yung malaking paper bag na hawak niya kanina pa. 

"Huh? A-ano yan?? " tanong ko tas hindi ko pa tinatanggap yun. 

"Paper bag :3"

Ah oo nga nuh!? Amazing!! Hindi ko naisip yun ah.. Galing! Paper bag pala yun? (-_-")

"Ah ang ibig kong sabihin, anong laman niyan? "

"Ah yun ba? Hehe! Basta, binili ko lahat ng gusto mo. Kunin mo na please.. kundi magtatampo ako :(" 

"Ganun? Grabe ka.. sige na salamat :)" sabi ko tas tinanggap ko na yun. 

"Yehey! Salamat!! :)" sabi niya na tuwang-tuwa tas hinawakan niya yung kamay ko. 

"Magpahinga ka na :) alam kong pagod ka na.. " sabi ko.

14000 Peso BetWhere stories live. Discover now