Chapter Sixty Three

260 5 0
                                    

CHAPTER SIXTY THREE.

"Wag mo ng paproblemahin yung sarili mo Tere.. " sabi sa akin ni Angge habang kumakain ng candy. Nandito kasi siya ngayon sa loob ng kwarto ko pati na rin yung bestfriend ko na si Drei -.- Lagi naman yang dayo dito ee kahit ayoko. Ah, oo nga pala, magkakilala din si Angge at Drei dahil kami-kami din ang magkaklase 5 years ago.

"Wag intindihin? Problema kasi sa mga tao, masyado silang mapanglait wala namang kinalaman sa mga nangyayari! " reklamo ko. Nabanggit ko kasi sa kanilang dalawa yung nangyari kahapon pati kanina na sa bawat kilos ko, puro side comments ang maririnig mo sa mga tao. Mayroon pa nga kanina nung naglalakad ako pauwi, may nadaanan akong dalawang babaeng kumakain sa canteen. Aba pinagbulungan ba naman ko at ang sabi ganto..

Girl #1: "Uy bessy, bat ganun bigla akong nawalan ng gana kumain? Impakta kasi tong nakikita ko ngayon ee, nakakasuka! Feeling maganda wala namang ibubuga. Bakit ba naging president yan? Puro gulo lang naman dala niyan ee. Dati si Leandro, pinaluhod at sinigawan niya. Yung EVP naman sinugod nila nung bestfriend niya. Nung kamakailan lang, yung jowa niya pinaluhod niya din at sinigawan sa harap ng maraming tao sa elevator tas kahapon pinag -aagawan siya? Gosh! Ang landi!! "

Girl #2: "Shhh!! Bessy wag kang maingay! Baka marinig ka niyan, sige ka baka kulamin ka niyan! Apat na lalaki nga nagayuma niya ee!! Ingat! "

Girl #1: "Right! Sorry hindi ko lang mapigilan masuka sa nakikita ko. Tara na nga, baka kung mapano pa tayo dito. Nakakatakot!! "

Tas lumayas na sila. See!? Susugurin ko na sana sila para sabunutan ee pero naisip ko na lang sa sarili ko na hindi ko dapat ilevel ang sarili ko sa ganyang mga walang pinag -aralang babae. Naturingang nasa school, walang natututunan. Naglakad na lang ulit ako. Kaligayahan nila yun ee! God bless na lang!!

Pero sa kabila ng mga katapangang iniisip ko, kahit di ko pigilan ang sarili ko kusang humihina pa din ang loob ko. Di ko naiwasang maluha sa mga narinig ko. Kahit sino naman sigurong tao, malulungkot kung ganyan ang maririnig mo sa paligid. Kaya eto nga yung sinasabi ko kina Angge at Drei. Hindi ko na kayang mag -isa. Gusto ko ng makakausap kundi mapapraning na talaga ako. Parang feeling ko kasi galit sa akin yung mundo. OA ba? Sorry, masyadong mahina yung loob ko sa mga ganitong problema kaya ganito ako.

"Inggit lang sayo yung mga yun Tere!! Kasalanan mo bang maganda ka? Palibhasa sila, kahit anong kapal ng make up nila, hindi nila magawang akitin ang mga lalaki at pag -agawan sila. " sabi pa niya. Natawa tuloy ako ng mahina. Idaan ba sa biro? Problemado na nga yung tao ee. Sige sila, baka maniwala ako.

"Bakit ayaw mong maniwala?" sabat naman ni Drei.

"Ang kulit niyo mag -advice, nakakatulong!! "

"Tere, kung hindi insecurities yun? Anong tawag dun?  You have the beauty, the brain, the talents, what more can you ask for? Kaya madaming nagkakagusto sayo. " sabi ni Angge.

"At kasama na ako dun :)" pagsang-ayon ni Drei. Napatingin naman ako sa kanya. "Alam mo, tama naman yung sinabi ni Angelica ee. May naisip tuloy ako.. " dagdag niya pa sabay upo sa kama ko at tinitigan yung bedsheet ko na may print ng mukha ng mga asawa ko.

"Ano? " sabay na tanong namin ni Angge.

"Masyado ka kasing problemado ee. Siguro time mo na para magpalipas ng stress. Gusto mo.. sama ka sa pabalik sa akin ng Busan? "

(O_____O) (OoO)

"WHAAAAATT?? " gulat na reaction namin ni Angelica.

"Total, malapit na kami ulit bumalik dun. Pwede naman kitang dalhin dun ee. Dun ka na lang magpatuloy ng pag -aaral. "

Sa sinabi niya, natulala ako. Teka ano bang sasabihin ko? Tumingin ako kay Angelica na nakatingin din sa akin. At pagkatapos ay tumingin ulit kay Drei.

14000 Peso BetWhere stories live. Discover now