Chapter Thirty Nine

362 15 4
                                    

CHAPTER THIRTY NINE. 

Lumipas ang isang Linggo, natapos na lahat ng requirements. Yahoo!! Tapos na lahat.. Tapos na exams, projects, clearance, kuhaan ng grades at bakasyon na. 

Lahat ng estudyante free from stress na at siguro hapi-hapi na sa kani-kanilang bakasyon. 

Pero IBAHIN. NIYO. AKO. 

Kahit siguro bakasyon na, papasok pa din ako. Papasok pa din kami. Bakit kamo? Aba syempre para saan pa nga ba, edi dahil iseserve ko ang aking mahal na university -_- At dahil bilang isa akong president, tungkulin ko yun. Oh ha? Oh ha? Akala niyo maganda maging president? Isang malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking malaking NO. Hindi lang yan about popularity. Pasan ko kaya ang daigdig! Ay, kami pala ng buong student council. Pero di bale na, ginusto namin to! 

So, gaya ng nasabi ko, pumasok ako ng school.  

-Eeeeennnggg-

May nagbukas ng pintuan ng AVP Room. 

"Hi Teresa! " 

Ah. Si Theo lang pala kasama sina Mel, Sean at ang iba pang officers ng student council. 

"Hi. Bakit? May problema ba? " tanong ko tapos agad namang tumingin ulit sa monitor at bumalik sa pagtatype. Nandito kasi ako ngayon  sa AVP room at nagtatype sa powerpoint na ipapakita ko bukas sa meeting namin ng student council at pag naging final na to, ipapasa ko na sa school's assistant of the vice president para maipatupad na. 

"Patapos ka na dyan? " tanong ni Mel. 

"Hindi pa. Kakaumpisa ko pa nga lang ee. Bakit? "

"May pupuntahan kami, may pinapagawa kasi si Maam ee. Pero sige, tapusin mo na lang yan. "

"Hah? Ee panu yun? "

"Kami na bahala dun. Chineck ka lang namin kung matatapos ka na at itanong kung baka gusto mong sumama sa amin. "

"Okay lang sa inyo? " 

"Oo naman. Tapusin mo na lang yan at kami na bahala dun. Tsaka para mapabilis ka, iwan na lang dito si Theo para tulungan ka... Diba Theo??" sagot ni Mel tapos siniko -siko pa si Theo. Nagulat naman siya dun ng very very light pero pumayag naman kaagad. 

"Ah sige pre, kami na bahala dito :)" sagot ni Theo. 

14000 Peso BetDove le storie prendono vita. Scoprilo ora