‘Di ko na siya pinansin. Baka kung ano pang magawa ko. Kainis talaga. Umagang-umaga.

                Papunta na ako sa banyo para maligo. Biglang nagsalita si Price, “Baka magtagal ka diyan, babe. Gusto mo tulungan na kitang maligo?”

                Nakoooo... sinusubukan talaga ako ng mokong na ‘to. ‘Di na ako nagsalita. Sinara ko nalang ang pinto ng malakas. Sobrang lakas nga, kinabahan pa akong baka masira yung pinto.

                Habang naliligo, huminga ako ng malalim. “Kaya mo ‘to, Saydie. Kayanin mo,” bulong ko sa sarili ko. Bulong lang. Baka mamaya nakikinig si Price sa labas.

                Which reminds me, kailangan kong bilisan maligo. Baka kung ano na namang sabihin ng ulol na yun. Kaya naman in five minutes, tapos ako. What an achievement!

                Kahit si Price nagulat. “Aba, ang bilis ah,” sabi niya. Ngingiti na sana ako. Nang bigla niyang idagdag, “Namiss mo siguro ako, ‘no?”

                “Mukha mo,” mapait  kong sabi.

                “Ang gwapo ‘no?” sagot niya.

                “Ang kapal kamo.” At dumerecho na ako sa kwarto para magbihis.

                As usual, tshirt at jeans ang suot ko. Nagsuklay ako ng buhok at naglagay ng konting pabango. Chineck ko ang bag ko kung kumpleto ang gamit ko.

                Inisip ko kung may homework na nakalimutan kong gawin. Sa pagkakaalam ko, wala naman. Pero just the same, chineck ko parin. Salamat kay Lord at wala naman akong nalimutang gawin. Mabuti nalang. Kasi ‘di ko kailangan ng dagdag na stress sa buhay ko.

                Nung nakaayos na ako at ready to go na, lumabas na ako ng kwarto. Sakto din na lumabas si Price. Basa parin ang buhok niya. ‘Di siya mukhang pupunta sa school eh. Mukha lang siyang makikipagdate. O baka ganun talaga itchura niya. ‘Di naman maikakaila na may itchura din siya.

                Napatingin siya sakin. Napansin niyang nakatingin ako sakanya.

                “Ikaw naman, babe. Araw-araw mo naman akong makikita eh. Lagi naman akong nandito ‘pag uwi mo,” asar niya.

                Nako, may epekto ata sa pag-iisip ko ang pagligo ng five minutes lang.

                ‘Di ko na pinansin ang sinabi niya. “Tara na. Baka ma-traffic pa tayo.” Dumerecho ako sa pinto. At sumunod naman siya.

                Tahimik ako sa kotse. Pati siya, himalang tahimik. Wala na sigurong mapagusapan. Nagsalita nalang siya nang nakita na niya ang school ko.

Accidentally MARRIEDWhere stories live. Discover now