File 9: MMTB

24.8K 390 42
                                    

Step 2: MMTB

"Medyo Meant To Be"

Ito yung mga bagay na inaakala ng iba na meant to be sila ng taong gusto nila pero sa totoo lang hopia lang pala. Gumawa ka ng mga bagay or pangyayaring magsasabing meant to be kayo kahit sa totoo lang hindi.  

All people believe in their own version of fantasies.

Make him believe that these fantasies are real.

You will make that dreams come true.

Vice: Karylle, tara na?

Nang marinig ni Karylle ang boses ni Vice agad naman niyang naitago yung mini notebook niya. 

Karylle: Ah, sige tara na.

Nakabandage na ang ulo ni Vice dahil sa aksidenteng nangyari. 

Si Vice ang nagmamaneho ng sasakyan at si Karylle naman nakaupo katabi ni Vice. Wala kasing driver si Vice ngayon. Tinext naman ni Karylle si Vhong na wag siyang sunduin kasi may lakad sila ni Vice at siya na rin ang maghahatid sa kanya pauwi.

Dahil nanalo si Karylle sa pustahan nila ni Vice, ito na, mangyayari na ang first date nila. Hindi espesyal ang date na ito kasi ginagawa lang naman nila hindi dahil sa gusto nila. 

Napilitan lang si Vice dahil nanalo si Karylle sa pustahan nila, ganun din naman si Karylle, napilitan lang siya para magkaroon sila ng moment ni Vice at maisagawa ang trabaho niya.

 Vice: So paano ba gagawin natin? Hindi ko alam ito ha.

Nagulat naman si Karylle at biglang napatingin kay Vice. Hinahatak niya ito sa sleeve at sigaw ng sigaw na natataranta pa..

Karylle: HA? BAKIT NGAYON MO LANG SINABI?!  ITABI MO YUNG KOTSE! ITABI MO!

Vice: Bakit?

Karylle: BASTA VICE ITAAA-BI MO!

Nagtataka naman kung bakit naghysterical si Karylle kaya agad naman niyang inhinto ang kotse sa kanto. Pagkahinto ng sasakyan, nakahinga naman ng maluwag si Karylle at parang naligtas siya sa bingit ng kamatayan.

Karylle: Lord, thank you.

Hinampas niya ng hinampas si Vice at bigla naman niya itong sinabunutan sa sobrang galit dahil pinakaba siya nito ng husto.

Vice: Aray ko! Aray ko! Ano bang ginagawa mo saken? 

Patuloy pa rin sa pagsabunot si Karylle at galit kay Vice.

Karylle: NAKAKASTRESS KA! SANA BAGO TAYO UMALIS SINABI MO NA PARA HINDI AKO KINABAHAN!

Vice: Hindi ko naman alam at isa pa, ikaw itong nagpumilit lumabas!

Karylle: May balak ka ba talagang patayin ako?! Paano na lang kung naaksidente tayo? pano na yung maganda kong mukha?

Vice: Bakit naman tayo maaaksidente?

Karylle: Kung alam ko lang sana nagcommute na lang tayo, hindi ka naman pala marunong magmaneho!

Vice: Ha?! Anong pinagsasabi mo?

Tinigil na ni Karylle ang ginagawa niya at nilagay ang kamay sa lap niya. Si Vice naman pahimas-himas sa buhok niya kasi masyadong malakas ang pwersa ng pagkakasabunot ni Karylle sa kanya at halos natatanggal na yung ilang strands ng buhok niya.

Karylle: Sabi mo kasi hindi mo alam kung paano gawin.

Vice: Eh hindi ko naman talaga alam kung ano ginagawa sa date!

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon