Finale

21.9K 536 534
                                    

Hindi maawat ang pagsikat ni Vice Ganda. Marami man ang hindi sumangayon sa tuluyang pagladlad ngunit mas marami pa rin ang sumusuporta at nagmamahal sa kanya at buong puso siyang tinanggap.

Kaliwa't kanang project, album, movies at ilang awards na rin ang natanggap nito. Mukhang nakabuti ang nangyaring pagbabago kay Vice, mas maaliwalas siya ngayon, mas komportable, mas masaya.

Tennis

Isang malakas na hampas ng bola ang pinakawalan ni Vice para magpatalo kay Tintin sa game.

Tintin: Ano ba yan!

Vice: You lose.

Pang-aasar ni Vice kay Tintin. Inabutan naman ni Justin ng tubig si Vice at binigyan ng towel si Tintin.

Justin: So anong plano after ng game?

Vice: baka aaura, depende sa matripan.

Habang iniinom ni Vice yung tubig niya, hindi naman maiwasan ni Tintin ang makiusyoso kay Vice.

Justin: Ohhh okay, hatid ko na ba kayo?

Tumanggi naman si Vice sa offer ni Justin.

Tintin: Ay bakit?! Kasama mo jowa mo?

Justin: Kaya pala walang plano may date sila.

Natawa na lang si Vice sa mga chismosang kaibigan niya.

Vice: Wala na kami nun. Kakabreak lang namin kahapon.

Tintin: HA?! Agad-agad? Eh di ba kakakilala mo lang dun sa boylet na yun nung isang araw? Anyare?

Vice: Basta, ayoko na.

Tintin: Mas madalas ka pang magpalit ng boyfriend kesa magpalit ng brief. Hay Vice!

Napakamot na lang si Tintin at uminom pa ng mas maraming tubig. Ilang beses na rin kasi nagkaroon ng boyfriend si Vice pero kahit isa sa kanila walang nagtagal.

Justin: Ayun, wala pa ring tatalo dun sa naging kaloveteam na naging syota.

Biglang siniko naman ni Tintin si Vice dahil alam niyang sensitibo si Vice kapag pinaguusapan ito. Kahit banggitin lang pangalan biglang maiinis na si Vice.

Justin: Asan na kaya yun? Nakakamiss rin yung kaweirduhan nun minsan eh. Vice, paano kaya kung magkita ulit kayo?

Biglang natahimik naman si Vice at hindi na gumatong pa sa mga pinagsasabi ni Justin dahil alam naman niya kung saan papunta yung topic.

Halos mabali na siguro yung kamay ni Tintin kakasiko kay Justin pero napakamanhid nitong si Justin at hindi makaramdam na naiinis si Vice.

Justin: Bakit totoo naman ah, iba pa rin naman talaga si Ka—

Finold naman ni Tintin yung towel na binigay ni Justin at sinubo sa bunganga nito para hindi na makapagsalita pa. Napahawak na lang sa batok si Vice at nagsisimula ng mainis kay Justin.

Justin: Nagadak nolad Kadat gan hakadad

Tintin: Ah talaga ba? Oo na lang.

Tinanggal na ni Justin ang towel sa bibig niya at naiinis na sinigawan si Tintin.

Justin: Eh sinasabi ko lang naman talaga na iba siya sa lahat. Ang tagal na kaya nun, move on din Tin!

Tintin: Bakit ako magmomove on? Ako ba naging jowa ha? Sana sinabi mo yan kay Vice.

Patuloy pa rin sa pagbabangayan ang dalawa at hindi na namalayang iniwan na sila ni Vice sa court at umuwi na.

Pagkasakay ng kotse, hindi naman nawala sa isip ni Vice yung tanong ni Justin na paano kung magkita ulit sila. Napailing na lang si Vice at natawa sa sarili niya kung bakit pa ba niya naiisip yung mga ganitong bagay.

Operation: Marry MeWhere stories live. Discover now