File 58: Reunite again

12.3K 314 41
                                    

Nakasakay ang kakahiwalay lang na magkasintahan sa isang sasakyan. Si Vice yung nagdadrive tapos si Karylle katabi niya.

Karylle: San tayo pupunta?

Vice: San mo gusto?

Karylle: Aba malay ko, san mo ba ko planong dalhin?

Vice: Sa church.

Tumango na lang si Karylle at hinayaan na lang si Vice sa kung saan nito gustong pumunta. May magagawa pa ba siya eh bayad ni Vice talent fee niya ngayong araw.

Karylle: Magsisimba tayo? 

Vice: We're getting married.

Karylle: Ahhh akala ko naman kung ano—wait, ikakasal tayo?

Vice: Oo, bakit?

Natahimik naman si Karylle na parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Vice kaya tiningnan niya ulit si Vice kung seryoso ba to or hindi.

Vice: Ayaw mo ba?

Karylle: Hindi, hindi naman sa ganun—

Vice: Ayun naman pala walang problema! Let's get married today! Oh yes!

Mas lalong pinabilisan ni Vice yung pagmamaneho ng kotse hanggang sa mapakapit na lang si Karylle. Sobrang naexcite kasi si Vice dahil tuloy na tuloy na talaga ang biglaang kasal ng vicerylle. Kakahiwalay lang di pa nga nagbabalikan ulit ikakasal na.

Bumaba agad si Vice, kumakanta-kanta pa ito bago pinagbuksan ng pinto si Karylle. Si Karylle naman kinakabahan kasi nga ikakasal na siya.

Malungkot na bumaba si Karylle sa kotse, nanlalamig ang buong katawan niya at pinagpapawisan pa. Nilingon naman niya si Vice na masayang-masaya sa mga magaganap.

Vice: Bakit parang namumutla ka? Are you okay?

Humawak naman sa dibdib si Karylle at dahan-dahan lang maglakad. Natatakot pumasok sa simbahan kasi di siya ready.

Vice: May problema ka ba Karylle? Sabihin mo lang kung ano gusto mo, gagawin ko.

Karylle: Kasi Vice...

Vice: Bakit?

Karylle: Nagpaalam ako sa bahay sabi ko may taping ako tapos mamaya uuwi ako kasal na ko sa'yo? Ano to isang invite lang saken na magpakasal go agad? Para naman akong kaladkaring babae niyan.

Napayuko na lang si Karylle sa sobrang hiya. Nakikinig naman ng maayos si Vice sa pinoproblema ni Karylle. 

Vice: Do you love me?

Karylle: Oo naman mahal naman kita kaso lang, kasal agad? Baka nakakalimutan mong naghiwalay na tayo, ligawan mo muna kaya ako.

Hinalikan ni Vice si Karylle sa noo at kinikilig kay Karylle. Ganito ang epekto ni Karylle sa kanya, konting galaw, konting pakilig parang mamamatay na siya, natatypo pa. ay iba na pala yun

Nilapit naman ni Vice ang tenga niya kay Karylle at binulungan niya ito na husky yung voice.

Vice: Don't demand.

///

Pagkapasok sa simbahan, nakita naman ni Karylle na abandunado na pala yun. May mga part na nasunog at may part na okay pa rin. Wala ng chairs, tanging altar na lang talaga yung nasave. Nagtataka naman si Karylle kung bakit sa dinami-rami ng simbahan na pwede silang ikasal, bakit sa ganitong simbahan pa. Compared dun sa unang simbahan nila noon, sobrang layo ng itsura ngayon.

Karylle: Vice, anong ginagawa natin dito?

Vice: Sabi ko kanina di ba, magpapakasal tayo.

Karylle: Pero lumang simbahan na to tsaka tingnan mo halatang napabayaan na.

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon