File 18: Proot

20.7K 351 58
                                    

Tulala lang si Karylle habang nakaupo. Habang tumatagal, nahihirapan na siya sa sitwasyon nila ni Vice dahil mas lalo siyang naguguilty sa mga ginagawa niya. Nakita naman siya ni Vhong na malungkot kaya lihim siyang tinabihan nito.

Vhong: May problema ba?

Humarap naman si Karylle kay Vhong, nagulat siya ng makita niya itong umiiyak.

Vhong: Anong nangyari?!

Karylle: Hindi ko na alam.

Vhong: Ano?

Mas lalong naiyak si Karylle ng maalala ulit niya yung problema niya.

Karylle: Gusto ko ng lumayo. Gusto ko ng umalis. Vhong, ayoko na.

Agad naman inoffer ni Vhong ang braso niya kay Karylle para icomfort siya. Hindi naman makapagsalita si Vhong dahil mukhang alam na niya kung bakit nagkakaganito si Karylle, dahil sa mga nangyayari sa kanila ni Vice.

Vhong: Gusto mo ba kausapin na natin si Billy?

Karylle: Wag! Ayoko.

Vhong: Bakit? Akala ko ba ayaw mo na?

Karylle: Ayokong iwan si Vice. Hindi ko ata kaya.

Napabitaw naman si Vhong at nagulat sa sinabi ni Karylle.

Vhong: Pero K, alam mo naman yung usapan di ba?

Karylle: Alam ko...pero, ewan ko Vhong. Naguguluhan na ko. Naguguluhan na ko kay Vice, naguguluhan na ko sa sarili ko, naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Hindi ko gusto ito. Ayoko na.

Vhong: Mahal mo na ba?

Natahimik naman si Karylle at hindi na naman napigilang umiyak.

Karylle: Hindi.

Vhong: Ayun naman pala eh, eh bakit ka umiiyak?

Karylle: Vhong, malapit na eh. Malapit ng matapos yung trabaho natin.

Vhong: HA?! ANONG NANGYARI? Sinabi na ba niya yung magic word natin?

Karylle: Hindi.

Nanghinayang naman si Vhong sa sinabi ni Karylle.

Vhong: Akala ko naman, okay na.

Karylle: He kissed me.

Nanlaki naman ang mata ni Vhong sa sinabi ni Karylle. Hindi naman siya mapakali kung paano niya ioopen yung topic kasi sobrang malungkot si Karylle.

Vhong: Ah, baka hindi sinasadya.

Karylle: No, he really kissed me.

Vhong: An--anong ginawa mo?

Karylle: I kissed him back.

Nanghina naman si Vhong ng marinig niya mismo kay Karylle na hinalikan niya si Vice.

Hinawakan naman ni Karylle mga kamay ni Vhong at parang nagmamakaawa sa kanya na pumayag sa isang favor.

Karylle: Help me.

Hindi naman nagsasalita si Vhong at tulala pa rin.

Karylle: Hindi ko alam kung san ako dadalhin nitong mga plano natin. Basta ang alam ko, may mali sa nararamdaman ko. Tulungan mo kong mawala ito, please?

Napabuntong-hininga na lang si Vhong at hinarap ang nagmamakaawang si Karylle.

Vhong: Sige, tutulungan kita.

Step 6: Create a space.

Space means emptiness. Ang isang bagay na walang laman, ibig sabihin may kulang. Hayaan mong hanapin niya yung mga bagay na pwedeng mawala sa kanya kapag nawala ka at mangyayari lang yun if you will create a space.

Operation: Marry MeWhere stories live. Discover now