File 10: The Hose

24.5K 385 65
                                    

Minsan tinatanong natin ang sarili natin, bakit hindi kaya  pwedeng maging kami? 

Bakit hindi niya ko magustuhan?

Bakit kaya ayaw niya maging parte ng buhay ko? 

Bakit nabuo ang one-way attraction?

And that is step number 3.

Step 3: Know his weaknesses.

Don’t force him to enter your life, all you have to do is to enter his life first. Iparamdam mo sa kanya na sa lahat ng taong kilala niya, ikaw lang yung taong makakaintindi sa pinagdadaanan at sa mga pagkukulang niya.

Make him believe that you are the only person who can understand him.

Nang makita ni Karylle na papalapit na si Vice, agad naman niyang nilagay sa bag yung mini notebook niya.

 Vice: Tumawag si Belle, si Mommy daw...

Nagmadali namang paandarin ni Vice ang sasakyan. Simula ng umalis sila ni Karylle hindi na ito nagsasalita at kitang-kita sa mukha niya yung takot at pagaalala.

First time makita ni Karylle si Vice na ganun ang hitsura kaya kahit siya natatakot na rin para kay Vice.

Hinawakan niya ni K si Vice, napatingin naman si Vice saglit kay K at parang gumaan kahit papano yung pakiramdam niya.

Karylle: Magiging okay siya.

Tumawag si Belle, katulong kay Vice para ipaalam na naaksidente ang nanay niya. Malubha ang kondisyon nito, hindi makagalaw, makatayo at kahit makapagsalita hirap. Tumawag na sila ng doctor, pinapauwi na si Vice sa bahay nila para maabutan pa niya ang nanay niya.

Nakarating na sila Vice sa bahay nila, agad namang binuksan ng guard ang gate nila. Nagmadaling bumaba si Vice ng kotse, si Karylle naman sumusunod lang kay Vice hanggang sa makapasok na sila sa loob.

Nakapatay ang ilaw at walang katao-tao.

 "WELCOME BACK VICE!"

Pagkabukas ng ilaw, puro pagkain, may tarp pa na nakasabit at ang nanay niya may hawak-hawak pang cake kasama ang mga kasambahay nila. 

Vice: WHAT IS HAPPENING HERE?

Agad namang binaba ng nanay ni Vice yung cake at nilapitan ito sabay nagbeso. HInawakan niya ito sa mukha at sobrang miss na niya ang anak niya. Ilang buwan na din kasing hindi bumibisita si Vice sa nanay niya.

Vice: Hindi ko po birthday, bakit may ganito? Tsaka, akala ko ba naaksidente ka?

A/N: Insert Jackie Lou Blanco as Mommy Mary Anne

Mommy Mary Anne: Alam kong hindi mo birthday, nanay mo ko, baliw ka ba? At hindi ako naaksidente, pinasabi ko lang kay Belle na tawagan ka at sabihing naaksidente ako para umuwi ka na dito sa bahay. Ang tagal mo na kaya akong hindi binibisita!

Vice: Eh bakit kailangan pang patayin ang ilaw?

Mommy Mary Anne: Eh earth hour kasi ngayon anak, ano ka ba naman.

Vice: Akala ko naman kung ano na, pinakaba niyo ko.

Napansin naman ni Mary Anne ang bandage sa ulo ni Vice, ang gulo-gulo nitong buhok pati na rin ang pagkaamoy usok ni Vice.

Mommy Mary Anne: Hindi kaya ako ang dapat magtanong kung anong nangyari sa'yo?! 

Piningot naman ni Mommy Mary Anne si Vice at hinampas-hampas pa sa braso nito. Halos hindi na makahinga ang nanay ni Vice sa sobrang galit at pinipigilan naman siya ng mga katulong.

Operation: Marry MeWhere stories live. Discover now