File Extension: ABA

13.8K 303 68
                                    

After two months kong nawala,

chos.

After three years sa istorya,

"How did it happen? Gusto kasi talagang malaman ng lahat paano ba talaga nagsimula yung Vicerylle?"

Napalingon naman si Karylle kay Vice na katabi lang niya. Isang video interview kasi ito sa kanila, documentation ng love story ng unkabogable loveteam to unkabogable couple.

Karylle: Pano ba?

Napakamot naman ng ulo si Vice kasi hindi rin niya alam kung ano yung isasagot.

Karylle: ang hirap kasi iexplain kasi parang lokohan lang talaga nung una, as in walang something tapos nangyari na lang.

Vice: Tapos si Karylle inamin niya saken na crush niya ko.

Automatic namang hinampas ni Karylle ang braso ni Vice. Todo sigawan naman lahat ng tao sa loob ng KV coliseum habang pinapanood ang interview ng dalawa na nagkukulitan. Isang Vicerylle concert kasi ang gaganapin ngayon at bago pa man magsimula ang opening, pinalabas muna ang isang munting regalo ng dalawa sa lahat ng sumusuporta sa kanila nung nagsisimula pa lang sila at ngayong malapit na silang ikasal.

Karylle: Ang kapal mo!

Vice: Uy promise, inamin mo talaga.

Karylle: Hindi kaya ako! Bakit mo pinapasa saken?

Tinitigan na lang ni Vice si Karylle at napasmile dahil sa pagkunot ng noo nito.

Vice: Sige, opo, ako na yung may crush kay Karylle. Ako na yung patay na patay, ako na yung todo habol, ako na yung may matinding pagnanasa. From the start naman, ikaw lang naman eh di aminin na rin natin sa lahat.

"WAAAAAAHHHH! TENG*NE VICERYLLE! <3"

Halos hindi na marinig yung video interview ng dalawa sa sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao.

Karylle: Eh di umamin din. 

Sabay flip ng hair sa video.

Karylle: Maganda ko eh.

"Ang cute! Iuuwi ka na namin Mommy!"

At nagpacute sa camera na ggss na naman. Natawa naman si Vice sa ginawa ni Karylle at feeling maganda dahil sa pag-amin niya. Pero at the same time, nacute-an na rin dito dahil kahit ano pa gawin ni Karylle, hindi pa rin maiwasan ang mapangiti.

"Ano nagustuhan mo kay Vice?"

Karylle: Ha?

Napasmile naman si Vice dahil si Karylle naman ang nasa hotseat.

Karylle: Hmm

Tahimik lang si Vice at hinihintay ang sagot ni Karylle. Kahit siya nacurious kung bakit nga ba siya ang nagustuhan ni Karylle.

"What makes Vice different from any other guys?"

Tulala pa rin si Karylle at pinagiisipan ang isasagot. 

Karylle: He's gay.

Hindi naman mawari ni Vice kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ni Karylle at hiyang-hiya na tinakpan ang namumulang mukha niya at napayuko na lang.

Karylle: Bakit? 

Malambing na tanong ni Karylle kay Vice dahil naramdaman nitong nacoconscious na naman siya sa tuwing pinaguusapan yung sexualidad niya.

Operation: Marry MeWhere stories live. Discover now