File 53: Sorry

11.9K 342 72
                                    

"Karylle, hindi naman talaga ako nagseselos eh, nasasaktan ako."

Naghuhugas si Karylle ng kamay at hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga narinig kay Vice kanina.

Karylle: Anong ibig sabihin nun?

Napailing na lang din siya dahil hindi niya naintindihan. First time makita ni Karylle si Vice na ganun, dati kasi kapag nagseselos si Vice parang bata lang, pero ngayon parang may kakaiba sa kanya na hindi niya alam kung ano.

Lumabas na si Karylle ng cr at nakita niya si Vice na nakapamewang. Kanina pa pala siya nito hinihintay sa labas, nakangiti pa ito na parang nangaasar.

Hindi na lang pinansin ni Karylle si Vice at dumere-derecho ng lakad. Blinock naman ni Vice ang way ni Karylle, bawat lakad nito, hinaharangan ni Vice. Mas lalong nainis naman si Karylle sa ginawa ni Vice, aliw na aliw naman si Vice na makitang naaasar si Karylle.

Karylle: Pwede ba, tabi nga 

Tinabig naman ni Karylle si Vice at umalis na. 

Vice: Don't forget, video conference tomorrow morning, lunch with the governor then fanmeet in the evening.

Karylle: Ayoko, hindi ako pupunta

Vice: Hindi pwede, vicerylle babies yun.

Karylle: Kung Vicerylle babies lang naman ang pag-uusapan, pupunta talaga ako pero kung kasama ka? Di bale na lang!

Vice: Eh pano pa naging Vicerylle kung hindi ako kasama?

Napaisip naman si Karylle dahil may point naman si Vice. Sadyang naiinis lang kasi talaga siya kay Vice dahil sa naging usapan nila kanina.

Karylle: Yeah right.

Napangiti na lang si Vice at pinagmasdan ang nagmamadaling si Karylle.

Pagkalabas naman ni Vice, sumalubong sa kanya si Billy. 

Billy: Vice, pwede ba tayong magusap?

Vice: Kung tungkol sa fanmeet, don't worry nasabi ko na kay Karylle. Pupunta naman siya

Billy: No, not about the fanmeet, tungkol sa counseling. Nagpaset ako ng schedule di ba? Bakit di ka pumunta?

Kung kanina masaya ang aura ni Vice, ngayon naman biglang nagshift sa pagiging seryoso. Palingon-lingon pa ito sa paligid kung may taong dadaan.

Vice: Come on Billy, I'm fine. Tingnan mo nga ako

Billy: Alam kong okay ka physically pero alam mo na, bumalik si Karylle.

Vice: Matagal ng bumalik si Karylle pero look, I'm fine. Masaya naman, nakakapagtrabaho naman ng maayos. Okay na okay ako.

Ngumiti na si Vice at biglang nilapitan ang bestfriend niya. Ginulo-gulo pa ni Vice yung buhok ni Billy na parang nakikipagbiruan sa nakakabata niyang kapatid.

Vice: Wag kang masyadong oa ha, okay naman ako.

Ibang-iba naman ang nakikita ni Billy, siguro sa ngayon okay pero paano kung magtagal na, baka bumalik ulit si Vice sa dati noong iniwan siya ni Karylle.

Naglalakad naman si Vice ng makita niya si Sam. Naisipan naman ni Vice na kausapin ito tungkol kay Karylle. Nabigla naman si Sam ng makita si Vice.

~~~

Vice: Di na ko magpapaligoy-ligoy pa, do you like her?

Napangi naman si Sam sa tinanong ni Vice. Hindi niya inaasahan na ganito kabilis ang magiging paguusap nila, derecho agad sa kung ano yung dapat pagusapan.

Operation: Marry MeWhere stories live. Discover now