File 12: Get Inside (part 1)

23.1K 347 31
                                    

Biglang may nagdoorbell sa condo ni Vice at nakita niya sa screen na si Vhong yung nasa labas. Pinagbuksan naman ni Vice si Vhong ng pinto.

Dumaan si Vhong sa condo ni Vice na ang daming alak at pagkain. Nagtataka naman si Vice kung ano kailangan ni Vhong.

Vhong: Hi.

Vice: Hi.

Pinapasok na ni Vice si Vhong at umupo naman kaagad si Vhong sa sofa. TInulungan naman ni Vice si Vhong na ilagay sa mesa yung lahat ng bitbit niyang pagkain.

Vice: Bakit ang daming pagkain? Tsaka may alak pa, anong meron?

Vhong: Ano kasi... niyaya ko kasi si Billy pero marami daw siya gagawin, hindi ko naman pwedeng yayain si Karylle kaya naisip ko na ikaw na lang.

Umupo na rin si Vice sa sofa at hinayaan magsalita si Vhong.

Vhong: Birthday ko kasi ngayon brad, hindi naman ako pinayagan umalis ni Billy para makita pamilya ko kasi may taping pa daw si Karylle.

Vice: Ah, happy birthday brad!

Vhong: Okay lang ba kung pwedeng makipagkwentuhan lang sa'yo?

Vice: Oo naman. Basta kaibigan ni Billy, kaibigan ko na rin.

 ~~~

Kausap naman ni Karylle ang sarili niya sa salamin at hanggang ngayon pinagiisipan pa rin kung ano pwede niya magawa. Kinuha na lang niya ulit yung mini notebook niya at dun nagsulat.

GOAL: Convert Vice to become a man... REAL MAN.

Hay Karylle, paano mo gagawin yun? Anong pwede kong gawin para magawa ko yung trabaho ko kay Billy na iconvert si Vice para maging lalaki. Nakakastress din naman pala yung trabaho ko,hindi ganun kadali lalo na unti-unti na kong napapamahal sa'yo.

Nagulat naman si Karylle sa mga nasulat niya kaya binura niya yung word na napapamahal at pinalitan ng napapalapit.

unti-unti na kong napapalapit sa'yo. Ayokong tumagal itong sitwasyon na ito, sana yayain mo na kong maging girlfriend mo sa totoong buhay. Sana sabihin mo na sa akin yung magic word, 'I love you' para matapos na itong paghihirap ko sa napakaselan mong mood. NAKAKAINIS KA PA RIN TALAGA JOSE MARIE! Bwiset ka. Kbye. joke. 

Lagi mo kong iniinis, lagi mo kong binibwiset...you don't know how much

Karylle: You make me happy.

Staff: Miss K, pinapatawag po kayo ni Direk. Kayo na daw susunod, last scene na daw for this day.

Karylle: Ah sige po, susunod na ko.

~~~

TAGAY!

Nagiinuman pa rin si Vhong at Vice pero malapit na malasing si Vhong hindi pa rin lasing si Vice. Hirap na hirap si Vhong na paikutin si Vice sa mga plano niya dahil masyadong observer si Vice.

Vhong: Teka, Vice, may yelo ba kayo dito?

Vice: Ah, andun sa kitchen. Sige, kunan ki--

Vhong: Hindi, sige. Kaya ko na.

Nagmadali namang pumunta sa kitchen si Vhong na may dala-dalang isang bote ng beer. Pagkapunta niya ng kitchen, agad naman siyang kumuha ng baso at nilagyan ng yel galing sa fridge ni Vice. Binuhos niya dun yung beer at nilagyan ng isang pulbos na nasa sachet yung beer.

Palingon-lingon naman si Vhong sa paligid kung parating si Vice at ilang saglit lang.

Vice: Okay ka lang ba?

Operation: Marry MeWhere stories live. Discover now