File 61: Marry Me

9.7K 264 127
                                    

***confusing I know at mas magulo pa after ng chapter na to or succeeding chapters kasi nagtatanggal na rin ako ng masyadong madrama and no flashbacks rin kasi kinukulang ako sa chapter pero if may time ako after final chapter nito, sige gagawan ko kung trip niyo yung ganun. Mga masochist na rin eh hahaha



Vice: San ka pupunta?

Habang nakita ni Vice na nageempake na ng gamit si Karylle paalis. Ito na naman yung feeling na iiwan na naman siya ni Karylle sa kalagitnaan ng kanyang problema.

Vice: Iiwan mo ko?

Hindi naman nagsasalita si Karylle at patuloy lang sa ginagawa niyang pageempake.

Vice: Ano sumagot ka!

Mahigpit namang hinawakan ni Vice ang braso ni Karylle.

Karylle: Bitiwan mo ko, nasasaktan ako.

Parang wala naman itong narinig at mas hinatak pa si Karylle.

Vice: Nasasaktan? Bakit sa ginagawa mo hindi mo ba ko nasasaktan ha?!

Karylle: Hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo.

Kinuha naman ni Vice yung mga damit ni Karylle at tinapon ito.

Vice: Akala mo hindi ko alam ha?!

Karylle: Hindi kita maintindihan.

Hinatak ulit ni Vice si Karylle, by this time mas lalong nakakatakot yung Vice na nasa harap ni Karylle. Hindi na siya yung Vice na kilala niya, malaki ang pinagbago nito.

Vice: Hindi ako tanga at wag mo kong gagawing tanga!

Natigilan naman si Karylle dahil mukhang nahulaan na ni Vice yung plano niyang iwan ito hangga't maaga pa, hangga't may oras pa para magbackout.

Vice: Nagdadalawang isip ka ngayon,

Dinuro-duro naman ni Vice si Karylle.

Karylle: Hindi naman sa ganun, hindi ganun, naguguluhan lang ako pero—

Vice: Kung mahal mo ang isang tao hinding-hindi ka maguguluhan sa nararamdaman mo kahit ano pa ang malaman mo tungkol sa kanya!

Hindi na naman nakapagsalita si Karylle at naluluha.

Vice: Gusto mong umalis?

Sabi ni Vice na halatang galit na. First time makita ni Karylle na nagkakaganito si Vice, yung Vice na posibleng may gawing masama sa kanya.

Tinulak naman ni Vice si Karylle papalabas ng pinto.

Vice: Sige umalis ka na nga at wag ka ng magpapakita pa! Sana hindi mo na lang sinabi na mahal mo ko, sana hindi ka na lang nagpakita ulit para hindi na lang din ako umasa na matatanggap mo kahit hindi naman!

Hindi naman napigilan ni Karylle ang umiyak dahil wala naman siyang maisasagot kay Vice kasi tama naman lahat ng hinala nito tungkol sa kanya.

Vice: Simula sa araw na to kakalimutan kong nakilala kita,, kakalimutan kong may isang taong katulad mo na dumating.

Pinipigilan naman ni Vice ang magpakita ng kahit anong kahinaan sa harap ni Karylle kasi tama na yung nagpakababa na siya. Siguro kung ibang tao yun, siguro kung hindi si Karylle malamang hindi ganito yung magiging reaksyon niya.

Vice: Ikaw yung pinaka-walang kwentang taong nakilala ko at pinagsisihan kong nakilala kita.

Naiwan naman si Karylle na sobrang naguilty sa nagawa niya kay Vice. Alam niya kasing nasaktan niya ito ng sobra.

Operation: Marry MeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz