File 54: Ceasefire

14.2K 336 80
                                    

Nagising si Karylle sa sobrang sakit ng ulo. Kilalang-kilala na nga ni Vice si Karylle at tama siya, wala nga itong maalala sa kung anong nangyari kagabi.

Karylle: Mabuti na lang at magaling ako maghandle ng kalasingan ko kagabi

Pangiti-ngiti naman si Karylle at masayang bumangon. Ngunit pagtayo niya, hindi niya nainda ang sakit ng katawan. Hindi maintindihan ni Karylle kung bakit sumakit buong katawan niya, wala naman siyang maalalang kahit ano sa isip-isip niya baka kung san lang siya napabunggo.

Dumerecho na siya sa cr, kinuha ang tootbrush niya at pagtingin sa salamin, nagulat siya at hindi makapaniwala sa napansin niya. Nanlaki ang mga mata ni Karylle dahil sa nakita.

Karylle: WAAAAAAH!

~~~

Nasa restaurant na ang lahat kumakain ng almusal, si Karylle late na naman dumating, nakasuot pa ng shades at tinatakpan ang mukha niya ng panyo. Umupo siya katabi ni Billy.

Dahil nga late si Karylle hindi naman siya nakaligtas sa pag-uusisa ng iba lalong-lalo na si Vhong. Si Vice naman inosenteng kumakain ng almusal at walang pake sa pagdating ni Karylle.

Vhong: Okay ka lang?

Tumango na lang si Karylle at hindi pa rin inaalis ang panyo. Hindi naman sanay sila Billy sa katahimikan ni Karylle kaya hindi nila naiwasan ang mag-alala dahil baka may problema itong dinadamdam.

Billy: Ano bang problema?

Tahimik namang nakikinig si Vice na nakaupo medyo malapit lang kela Billy.

Vhong: Nakatulog ka ba ng maayos kagabi, Karylle?

Dahan-dahang ininom ni Vice ang mainit niyang kape at patay malisya sa mga tanong ni Billy at Vhong.

Billy: Wait, wag mong sabihin lumabas ka pa kagabi?

Hindi naman sumasagot si Karylle sa mga tanong ni Billy at hiyang-hiya sa sarili niya dahil sa pangalawang pagkakataon, may nangyari na namang kakaiba nung nalasing siya.

Billy:  Karylle, may problema ba ha?

Napalunok naman si Vice at nagdadasal na sana walang maalala si Karylle at sana hindi nila makita yung bakas nung ginawa niya kay Karylle. At dahil sinigawan na ni Billy si Karylle, hindi na nito nakayanan pa kaya umamin na rin siya.

Karylle: Ayan, ayan na! Oh tingnan mo!

Tinanggal naman ni Karylle ang panyo kaya napapikit na si Vice dahil hala, lagot kang bakla ka.

Napapikit na lang si Vice at sobrang disappointed sa mga nagawa niya kagabi. Hindi naman niya pinagsisisihan yun pero dahil sa mga kilos ni Karylle halatang nabastos niya ito ng sobra. At yun ang pinakaayaw ni Vice, yung maramdaman ni Karylle na nababastos siya nito.

Billy: Anong nangyari sa'yo?!

Halos maiyak naman si Karylle at hindi alam kung anong gagawin. Gusto niyang ipaliwanag kay Billy ang lahat pero nagiging emosyonal siya at nahihirapang iexplain ang mga nangyari. Hindi na napigilan ni Karylle ang maiyak dahil yung isang bagay na pinakaiingatan niya, nawala ng tuluyan.

Vhong: Karylle please, sabihin mo na.

Hindi makapagsalita si Karylle at kinakabahan sa kung paano siya huhusgahan ng mga tao sa paligid niya. Alam ni Vice na walang naaalala si Karylle, kilala naman niya ito kapag lasing laging bangag. Kaya ayaw na niyang magkagulo at maghulaan pa ang mga tao kung sino ang may kagagawan nito kay Karylle.

Billy: Karylle ano?!

Hindi pa rin minumulat ni Vice ang mga mata niya at pinapakinggan lang ang mga pinagsasabi ni Billy at Karylle. Ngunit ng sumigaw na si Billy, hindi na nakaya pa ni Vice kaya naman wala na siyang magagawa kundi aminin ang katotohanan kung anong nangyari sa kanila ni Karylle kagabi. Ito na rin ang time para manindigan naman siya sa taong minamahal niya.

Operation: Marry MeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz