File 40: Acceptance

14.6K 307 25
                                    

They went home. Mas ginusto na rin kasi ng pamilya ni Vice na umuwi na lang dahil sa eskandalong sinapit. Tulala lang si Vice, naluluha dahil sa pagkakataong ito tuluyan ng nawala sa kanya si Karylle.

Nagaalala naman ang nanay ni Vice sa kanya, papasok na sana ito sa room niya ng biglang pinigilan siya ng asawa niya, ang isa pang Jose Marie, ang tatay ni Vice.

Jose: Ako na kakausap.

Tumango na lang si Mary Anne at hinayaan pumasok sa kwarto ang tatay ni Vice. Ito na rin siguro ang tamang panahon para magkausap ulit ang mag-ama.

Napansin naman ni Vice na naupo sa may tabi niya ang tatay niya pero hindi na lang niya ito pinansin. Mukhang alam na rin naman niya ang paguusapan nila ngayon, tungkol sa naganap na pagamin niya kanina sa harap ng maraming tao.

Vice: You're here. 

Jose: If you're worrying to that woman, please hayaan mo muna siya. Dapat maging mas maingat ka ngayon sa sarili mo.

Hilaw na ngiti naman ang pinakita ni Vice sa ama, halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi nito.

Vice: Bata pa lang ako, lagi mo ng sinasabi dapat ganito, dapat ganyan, Jose Marie, hindi ganyan, dapat kailangan okay, kailangan normal, kailangan straight ka para lang masabi kang isang tunay na Jose Marie Viceral eh paano kung hindi, paano kung hindi normal kasi nga bakla ako, matatanggap mo pa rin ba?

Nakikinig lang ang ama ni Vice at hinahayaan itong magsalita, ito ang unang pagkakataong napagusapan nila ang ganitong issue kaya naman medyo nabigla siya ng marinig ito.

Vice: Kaya minsan tuloy pakiramdam ko kapag hindi ko na nameet yung expectations niyo, I will never be part of this family. You always instruct me on what I should do in my life to a point that I almost forget who really I am. You gave me reasons to hide myself to everyone just to be accepted and respected by others. And that's why I hated myself from the beginning just to satisfy the needs of this family, para magkaroon kayo ng lalaking-lalaking anak.

Umiyak na si Vice. Patuloy lang sa pakikinig ng tatay niya sa kanya, natuklasan niya na ang dami palang bagay ang hindi pa niya alam sa anak niya.

Vice: Mahal ko kayo, mahal ko si Mommy, si Lolo. Mahal na mahal kita Dad kaya kahit sarili kong pagkatao kinalimutan ko para matanggap niyo, para mahalin niyo. Alam mo ba ang pakiramdam na mainis ka sa sarili mong pagkatao? Sobra akong nasaktan kasi pamilya ko kayo eh, pamilya ko kayo at mahal ko kayo.

Pinunasan ni Vice ang luha niya. Makikita sa hitsura nito na pagod na siya sa sitwasyon niya at ayaw na niyang magpanggap pa.

Vice: But Karylle, that woman taught me how to be true and love myself. Siya rin yung nagparamdam ulit sa akin na pwede naman pala talaga akong mahalin kahit may kulang, kahit bakla ako.

Patuloy lang sa pakikinig ang ina ni Vice samantalang tahimik pa rin ang ama nito.

Vice: Pero nung nalaman ko na kasabwat din pala siya ni Billy at Lolo, lahat ng akala kong pwede, hindi pala. For the second time, I wast hurt again to the person I loved. 

Naguilty naman si Jose kasi ang daming bagay ang hindi niya alam, ganun na pala ang nararamdaman ng anak niya sa kanila.

Vice: But you know what's funny now? May isang bagay pala akong hindi kayang itago. Hindi ko kayang itago na kahit nasaktan niya ako, mahal ko pa rin siya. Mahal ko pa rin si Karylle.

Sa mga naririnig niya ngayon, mas lalo siyang humahanga sa anak niya sa lakas ng loob na pagamin nito ng nararamdaman niya sa kanya.

Vice: I'm sorry kung hindi  ako yung Jose Marie na inaakala niyo, yung Jose Marie Viceral na lalaking-lalaki gaya niyo, eh ganito talaga ako, bakla po talaga ako kaya sana matanggap niyo kung sino ako.

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon