File 57: Play

13.2K 374 92
                                    

Natatakot naman si Karylle lumapit sa may basurahan pero parang may nagudyok sa kanya na lumapit pa. Dahan-dahan siyang pumunta sa gilid ng basurahan, madilim man pero nilakasan na lang ni Karylle ang loob niya at nagulat sa nakita niya.

Karylle: Vice?!

Nang may makitang ibang tao, mas lalo namang nahiya si Vice at nagtago pa sa pinakadulo para walang makakita sa kanya. Nagtataka naman si Karylle sa mga kinikilos ni Vice.

Karylle: Ano bang ginagawa mo dyan? Bakit ka nasa may basurahan?

Vice: Sssssh

Nagsmile naman si Vice kay Karylle, naghand-signal ito ng 'quiet' at naupo ng maayos, mas lalo niyang pinagsiksikan ang sarili sa kanto.

Karylle: Anong nangyayari? Hoy Viceral!

Vice: Wag ka maingay baka marinig ka ni Karylle.

Karylle: Ano?

Lumapit naman si Karylle kay Vice pero ilang distansya pa lang napansin na ni Karylle kung anong nangyayari kay Vice.

Karylle: Nakainom ka ba? Akala ko bawal uminom ha? hay naku

Tinakpan  naman ni Karylle yung ilong niya at medyo lumayo ng konti kay Vice. Nakapamewang na si Karylle at nagmamaldita sa harap ni Vice pero itong si Vice walang kamalay-malay na si Karylle na pala talaga yung nasa harap niya.

Karylle: Pwede ba hindi na eepekto yang style mong bulok. 

Vice: Wag ka maingay, nahihiya ako.

Karylle: Tumayo ka na dyan kasi hindi naman ako naaawa sayo! Kairta!

Napakamot naman ng ulo si Vice at sobrang naisstress sa pagsigaw ni Karylle.

Vice: SABI KO KASI WAG SUMIGAW! Kapag ako nahuli dito, magagalit na naman si Karylle.

Karylle: Vice, mabuti pa umuwi ka na.

Tumalikod na si Karylle, hinayaan naman ni Vice yung babaeng kausap niya na umalis na lang. Wala namang pakialam si Karylle kay Vice kaya pumasok na lang siya sa loob, isasara na ni Karylle yung gate ng narinig niya na may nabasag na bote. Sobrang lakas nung tunog posibleng malapit lang yun sa kanila kaya naman si Karylle hindi nakatiis at agad lumabas ng bahay nila para icheck si Vice.

Tama si Karylle, si Vice nga yung may gawa nung pagkabasag ng mga bote. Pinipilit pala nitong makatayo eh kaso mukhang nahihilo na kaya pati yung basurahan natabig na niya. Nakita niya si Vice na nakaupo sa sahig at parang kinakausap yung mga basura na wag maingay.

Vice: Wag kayong maingay mga teh

Napabuntong hininga na lang si Karylle sa sobrang inis kay Vice. Nilapitan na niya ito nang makitang hinawakan pa ni Vice yung boteng nabasag, ayan nasugatan tuloy siya. Shunga eh

Hinawakan naman ni Karylle yung kamay ni Vice, punong-puno na ng dugo pero si Vice parang walang pakialam at nakangiti pa kay Karylle.

Karylle: HIndi ka ba nagiisip? Ayan, tingnan mo! Puro dugo na yang kamay mo! Nakakainis ka talaga kahit kelan!

Sobrang nagaalala si Karylle para kay Vice kaya naman no choice kung di papasukin na niya ito sa loob para gamutin yung kamay ni Vice. Napangiti naman si Vice at pinagmamasdan mabuti si Karylle na natataranta. Pinilit namang itayo ni Karylle si Vice hanggang sa mapa-akbay na si Vice at alalayan siya sa paglalakad.

Sobrang higpit naman ng pagkakakbay ni Vice at sobrang lapit kay Karylle kaya naman lalong nainis si Karylle kay Vice,

Karylle: Wag kang masyadong madikit, yang mga ganyang style mo hindi na ko tinatablan niyan. Kunwari lasing, tapos didikit aakbay magugulat na lang ako hahalikan na. Pwede ba, hindi ka makakapuntos saken ngayon dahil matino ang pagiisip ako! 

Operation: Marry MeWhere stories live. Discover now