File 41: Vanished

15.4K 396 68
                                    

Pagkalabas naman ni Vice ng opisina ng lolo niya, napasandal na lang siya sa pinto. Hindi niya kasi alam kung ano ba yung dapat niyang maramdaman sa mga nalaman niya, makakabuti nga ba ito o baka mas lalong makasama sa sitwasyon ngayon.

Napabuntong hininga na lang si Vice at pinagisipan ang mga natuklasan niya.

~~~

Mga ilang araw ang nakalipas, naging maganda ang kinalabasan ng pelikula ng vicerylle pero higit pa dun, eh pinagpyepyestahan na rin sila sa dyaryo dahil sa mga nababalitang naghiwalay na ang dalawa. Iba't-iba ang interpretasyon ng mga tao, maraming nagdududa na baka ginagawa lang ito for promotion pero mas marami ang nalulungkot lalo na ang mga taga-hanga ng dalawa.

"So Vice, totoo bang third party daw ang dahilan ng paghihiwalay niyo?"

Vice: Walang third party.

"So kinoconfirm mo nga na hiwalay na kayo?"

Vice: I don't know.

Matipid na sagot ni Vice sa isang interview sa mabilisang interview.

"Kasi may mga nakakita daw sa'yo na may kasama ka daw noon na babae sa condo mo tapos nakita ka ring may iba pang kasama sa bar. Magkakaibang babae pero hindi si Karylle. Ano masasabi mo dito?"

Vice: I don't want to talk about it. Sorry, I have to go.

"Pero Vice..."

Nagkakagulo na ang mga tao kakahabol kay Vice pero wala na rin silang nagawa at nakaalis na ito.

Pagkasakay ni Vice sa kotse niya, napabuntong hininga na lang siya sa dami ng balitang iniiwasan niya. Napatingin na lang ito sa phone niya kung saan homescreen wallpaper picture nila ni Karylle.

Vice: I'm not giving up. I miss you Karylle.

~~~

Victory Party

Ilang araw hindi nagpapakita si Karylle, dahil wala naman itong kontratang pinirmahan, madali para sa kanya ang umalis. Inayos na rin ni Billy lahat in case na magkaroon ng aberya sa pagkawala ni Karylle. 

Simula ng nalaman na ng lahat ang tungkol sa kanila, umalis na si Karylle sa poder ni Billy. After ng trabaho niya kay Billy, tinapos na talaga ni Karylle ang koneksyon sa lahat ng mga taong nakasalamuha niya gaya ng napag-usapan.

Nagkakasiyahan ang lahat pero si Vice nakaupo lang sa isang sulok at hinihintay ang pagdating ni Karylle. Umaasa kasi siya na kahit dito man lang makapunta si K, kahit sa victory party lang ng movie nila.

Halos mag-uumaga na pero hindi pa rin ito dumarating. Ilang araw din si Karylle hindi nagpakita kaya halos lahat hinahanap siya. Si Vice malungkot na nahihintay pa rin sa sulok kaya napansin na ito ng mga kasamahan niya.

Justin: Sure ba kayo na nainvite niyo si Karylle?

Tintin: Malamang invited siya, siya yung bida!

Binulungan naman agad ni Yuri si Billy at tinanong ito. Si Billy lang kasi ang nakakaalam kung nasaan nga ba talaga si Karylle. Pinalabas kasi nilang nasa ibang bansa ito at nagbabakasyon pero sa totoo lang, alam naman ni Vice na nagsisinungaling lang si Billy.

Yuri: Asan siya?

Billy: Sino?

Yuri: Si K? Pupunta naman siya di ba?

Billy: I don't know.

Napakamot naman ng ulo si Yuri. Si Vice hindi pa rin umaalis sa pwesto niya at patuloy lang sa paghihintay. Nang magsimula ang party andun lang siya at ngayong matatapos na, andun pa rin siya nakaupo at naghihintay sa isang taong mukhang hindi naman darating.

Operation: Marry MeWhere stories live. Discover now