File 19: Heart and Mind

20.5K 350 60
                                    

Billy: Three cars were sold. Five more to go. Pahirap ka, Viceral.

Busy si Billy sa laptop niya samantalang si Karylle busy din sa ginagawa niyang pagsit-up sa kama ni Billy.

Bangon with facial expression ng tagumpay.

Karylle: Yes!

Higa, with disappointments.

Karylle: No.

Bangon.

Karylle: Yes!

Higa ulit.

Karylle: No.

Bango ulit.

Karylle: Yes!

Higa.

Karylle: No.

Ilang beses itong inuulit-ulit ni Karylle sa kama, napansin naman ni Billy yung kabaliwan na ginagawa ni Karylle dahil naglalaptop lang siya sa mesa which is nasa may side din ng kama niya. 

May meeting kasi ang Team Billy about sa operation: convert vice. Umalis lang saglit si Vhong para bumili ng pagkain.

Billy: What are you doing there?

Karylle: Oh yes!

Bangon.

Billy: Hoy ano ba! Kinakausap kita.

Karylle: No.

Higa ulit.

Billy: WILL YOU PLEASE STOP IT?!

Natigilan naman si Karylle dahil sa sigaw ni Billy. Hindi naman niya napansin na kanina pa pala siya kinausap ni Billy kasi masyado siyang maraming iniisip sa kung paano niya mawawala yung something sa kanya with Vice.

Nagpout naman si Karylle na parang bata at lungkot na lungkot sa mga pinagdaaanan niya.

Billy: Ano bang problema mo? Kanina ka pa, yes or no diyan.

Karylle: Billy!

Billy: Ano yun?

Karylle: Billy!

Different pitches of name Billy. Una mababa lang then pataas ng pataas ang tono.

Billy: Bakit?

Karylle: BI--LLY, eeee!

Billy: Hoy ano ba yan!

Napakamot naman ng ulo si Karylle at tinabihan na lang si Billy sa upuan. Tinigil naman ni Billy yung paggamit ng laptop at humarap kay Karylle na parang nasisiraan na ng bait.

Karylle: Pwede na ba kong umalis?

Billy: Huh?

Inayos ni Karylle yung pagkakaupo niya at mas lalong lumapit kay Billy para sa isang seryosong usapan.

Karylle: Di ba, may usapan tayo dun sa contract. Kapag ayoko na, pwede na kong umalis. Billy, ayoko na. Ayoko ng ituloy yung pagpapanggap ko at panloloko kay Vice. Gusto ko ng umalis.

Napabuntong-hininga naman si Billy sa mga sinabi ni Karylle na sobrang frustrated.

Karylle: Hindi ko na kaya eh. Ayoko na nung ginagawa natin, bad yun.

Billy: You know our plans, right? Wala naman akong nilihim sa inyo ni Vhong.

Napasabunot naman si Karylle sa buhok niya at hindi na niya alam ang gagawin kung paano niya macoconvince si Billy para itigil na yung ginagawa nila.

Karylle: Oo, alam ko pero Billy! Billy! Billy! Bi--lly. Hindi ko na talaga kaya.

Billy: Are you inlove with my bestfriend?

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon