File 27: Reversed

18.3K 374 100
                                    

It's a very exciting night. Sobrang excited si Vice dahil ngayon gabi ipapakilala siya ni Karylle sa family niya. 

Vice: La la la!

Todo ayos naman si Vice ng buhok niya sa salamin, hindi niya alam kung anong style ba. Kahit sa damit, ang tagal din niyang pumili.

Vice: Okay na kaya ito?

Gusto niya kasi maayos yung hitsura niya kapag humarap sa pamilya ni Karylle. Ayaw niya kasing magbigay ng kahit isang dahilan para hindi siya magustuhan nito. 

My loves calling

Karylle: San ka na?

Vice: Just few more minutes, nasa condo pa ko. 

Karylle: Okay, just text me kapag malapit ka na.

Vice: Yes, my loves. Wag mo ko likahin, kinakabahan na nga ako eh.

Karylle: Okay. I love you.

Masaya ang gabing ito para sa kanya, pero para kay Karylle, ito na ata ang pinakamalungkot na gabi niya. May halong saya, lungkot, takot at kaba.

Sobrang aligaga si Karylle sa mga pinagagawa niya. Pabalik-balik ng lakad, punta sa kitchen, kuha ng wine lagay sa mesa. Kuha ng wine glass, tapos nilagay ulit sa mesa. Then kumuha ng tubig, sabay inom.

Natetense na siya, hindi niya alam kung ano bang mangyayari after ng gabing ito, kasi isa lang ang sigurado siya, alam niyang masasaktan ngayon si Vice.

Napansin naman siya ni Diana at Winter na kanina pa tinitingnan si Karylle.

Winter: Ate, okay ka lang?

Tumango naman si Karylle dahil hindi rin naman niya alam yung isasagot niya.

Diana: Ahm, Winter mabuti pa, matulog ka na. Bawal sa bata yung nagpupuyat.

Winter: Eeee Ate Diana, pupunta dito si Kuya Vice, papapicture pa ko!

Napangiti naman si Karylle at hinawakan yung kapatid niya sa ulo sabay ginulo.

Karylle: Sige na, tulog ka muna. Pagdating ni Kuya Vice, gigisingin kita.

Wala namang magawa si Winter at sinunod na lang ang ate niya. Si Diana naman mukhang nahalata na may kakaiba kay Karylle ngayon. Tiningnan niya ito na may halong pag-aalala.

Diana: Okay ka lang ba talaga?

Karylle: Sana hanggang mamaya okay pa ko.

~~~

Pagkababa ni Vice sa ground floor, paalis na sana siya ng bigla siyang hinabol nung receptionist. 

Receptionist: Sir, someone delivered a package to you. Do you want me to send it to your room?

Vice: Ahm, no need. Kunin ko na.

Biglang pumunta sa reception area then nagsign ng papers para ireceive yung package ni Vice. After nun, nabasa naman ni Vice sa front, it says Confidential.

Nagtataka naman si Vice kung bakit ganun yung package niya. Wala naman siyang ineexpect na kahit anong package today.

Vice: Excuse me, kilala niyo ba kung sino nagpadala nito?

Receptionist: Ahm, sir pasensya na pero hindi po eh. Nacheck naman namin sa security, wala naman pong deadly weapons or explosive device sa loob.

Vice: Ah, okay. Thanks!

Umalis na si Vice pero hanggang ngayon palaisipan pa rin sa kanya yung hawak niya. Pagkabukas niya ng sasakyan, agad siyang umupo, binuksan yung lights then dahan-dahang inopen yung package.

Operation: Marry MeWhere stories live. Discover now