File 30: Unstoppable

17.1K 413 100
                                    

Unstoppable Viceral

Kagaya lang ng unang chapter, dinala ni Vice si Karylle sa isang lugar, lugar kung saan sila unang nagkita... sa isang bar.

Kasama pa rin sila Billy, Vhong, Yuri, Justin, Tintin at higit sa lahat, ang taong paghihigantihan niya, si Karylle. Dahil si Karylle ang gumagawa ng moves para lokohin siya, siya ang ginawang laruan ni Vice para isagawa ang paghihiganti niya.

Niyaya din niya si Billy para makita nito ang epekto ng ginawa nilang panloloko sa kanya. Sinama din niya ang iba para hindi naman makahalata sila Billy sa mga planong gagawin niya, ang saktan si Karylle.

Justin: Mukhang napapadalas ang libre ah!

Vice: Di ah, minsan lang naman!

Inakbayan naman ni Vice si Karylle sabay pumasok na ang iba sa loob, nagpahuli na naman ang vicerylle.

Karylle: Vice, magbabar talaga tayo? Kasi dati hindi naging okay yung pagpunta natin sa ganitong lugar.

Vice: Dati yun kasi di pa kita girlfriend, pero syempre iba na yung ngayon.

Tapos kinindatan si Karylle at pumasok na sa loob. Si Karylle naman medyo nagaalinlangan na pumasok sa loob. Hindi din kasi siya sanay sa mga ganito, isang beses lang siyang nakapunta sa bar, yun pa yung nagkakilala sila ni Vice at hindi naging maganda ang karanasanan niya dito.

Pero dahil si Vice yung kasama niya, alam niyang hindi na naman siya nito papabayaan kagaya lang ng nangyari sa Tagaytay.

Sobrang ingay sa loob, naupo na ang lahat sa reserved table ni Vice. Kanya-kanya namang order ng drinks, si Karylle juice na lang ang inorder. Nakaupo si Karylle sa may aisle then si Vice, tapos yung iba pang mga kasama nila.

Magkatabi naman si Billy at Vhong na medyo malayo sa pwesto nila Karylle at Vice. Si Billy na rin kasi ang tumutulong kay Vhong para magkaron siya ng konting distansya kay Karylle para iwas sa gulo.

Umalis naman ang lahat at pumunta sa dance floor. May kanya-kanyang agenda na ang bawat isa, si Justin kung kani-kaninong girls na nakikipagusap. Tapos si Tintin at Yuri naman sumasayaw na rin. Naiwan na lang si Billy, Vhong, Karylle at Vice. 

Kahit maingay makikita mong medyo awkward sa table nila dahil magkatapat si Vice at Vhong.

Vice: K, tara?

Karylle: Ahm, hindi kasi ako marunong sumayaw.

Vice: It's very easy, sabayan mo lang ako. Tara!

Hinila na ni Vice si Karylle at naiwan na lang Billy at Vhong. Nakita naman ni Vhong na sobrang saya na naman ni Karylle pag kasama si Vice, nakikita na naman niyang masaya ang kaibigan kasama ang iba.

Vhong: Brad, pwede naman sigurong umuwi na lang ako.

Billy: You can enjoy this night without torturing yourself about vicerylle.

Vhong: Parang hindi ko ata kaya.

Billy: Don't leave, isipin mo na lang parte ito ng training mo. Kelangan mong sanayin ang sarili mo na makita si Karylle kasama ang iba.

Napansin naman ni Vice na nagbubulungan si Vhong at Billy, naisip niya na baka nakakahalata na ang dalawa na alam na niya ang lihim na pagpapanggap ni Karylle. Kaya naman para bawasan ang pagdududa ng dalawa, biglang hinalikan niya si Karylle sa cheeks para sakyan yung operation: convert him na yan.

Nakita naman ni Billy at Vhong yung ginawa ni Vice kay Karylle.

Vhong: Brad, labas muna ko. Medyo maingay na talaga dito sa loob.

Operation: Marry MeWhere stories live. Discover now