File 45: Completed

16.9K 458 134
                                    

Sunday Night

Masaydong pinagiisipan ni Karylle ang lahat. Naguguluhan na siya, parang kahapon lang nakapagdecide na siya kung ano ba talaga yung gusto niya pero dahil sa mga natuklasan niya, may kakaiba siyang nararamdaman, parang may nagbago.

Tama nga bang pinakawalan niya yung taong mahal niya?

Huli na nga ba ang lahat para sa kanila?

Problemadong-problemado na si Karylle, hindi siya pinapatulog ng kakaibang pakiramdam na yun, pakiradam ng panghihinayang.

~~~

Kinabukasan, pagmulat ng mata ni Karylle, parang may kakaiba, parang may nagbago maliban sa tweety bird bed sheet niya. Marahil narealize niyang hindi pa siya naghihilamos kaya agad siyang nagbanyo at sobrang excited na gamitin ang favorite mouthwash niyang oracare.

Maliban sa hininga, may ibang aura siyang nararamdaman. Basta kakaiba ang araw ngayon, hindi niya maintindihan pero parang may mangyayaring hindi niya inaasahan kaya naman mas lalo siyang kinakabahan.

Bumaba na siya, nakita niya si Diana at Winter na kumakain ng almusal. Nakangiti silang pinagmamasdan si Karylle habang pababa ito, si Karylle naman naweirduhan sa dalawa.

Kung makatitig naman ang dalawa, mula paa hanggang ulo. Maayos naman ang itsura ni Karylle, nakapagsuklay naman ito, nakasuot lang ng pantulog.

Karylle: May dumi ba ko sa mukha?

Hindi naman nagsalita ang dalawa at ngumiti lang sabay simangot. Mas nagtaka naman si Karylle dahil parang nasisiraan na rin ng bait yung dalawa.

Karylle: Yung totoo, may problema ba kayo?

 Diana: Wala, wala naman. 

Deny nito tapos si Winter pangiti-ngiti lang at kinuha yung plato niyang pinagkainan at dali-daling nilagay sa hugasan.

 Tumayo na rin si Diana at pinaupo si Karylle. Magsasandok na ng kanin si Karylle ng binuksan ni Diana ang tv na nakaposisyon saktong-sakto sa tapat ng kinauupuan ni Karylle. Napansin naman ni Karylle yung nasa balita.

"It's a new life for us. Nakakalungkot din kasi marami talagang mamimiss dito sa Pilipinas pero yun nga, may mga bagay tayong kailangang pakawalan."

"... Hindi naman porke iniiwan, nawawala na."

Nakita ni Karylle ang KV showbiz flash report ni Vice kung saan papaalis na siya papuntang airport. Biglang nalungkot naman si Karylle sa mga narinig, mukhang hindi niya talaga muling makikita pa si Vice dahil sa kaartehan niya.

Diana: Aalis na pala si Vice, hindi man lang nagsabi.

Sinubukan namang magparinig ni Diana ng mga bagay-bagay kay Karylle, kunwari si Winter kausap pero she's referring to Karylle.

Diana: Kawawa naman yung isa dyan, wala ng lovelife.

Sabay kagat sa apple at tinitingnan ang sobrang lungkot na si Karylle. 

Medyo nanghihina naman si Karylle sa mga naging desisyon niya, dahil isang malaking pagkakamali pala yung hindi man lang niya naipaglaban si Vice kahit sa huli at hinayaan na lang lumayo. Isa lang ang pinagsisisihan niya ngayon, yung nasa sa'yo na pero pinakawalan mo pa.

Winter: Naiwan naman ni Kuya Vice yung polo niya sa cr eh, pwede na kay Ate K yun!

Pangiti-ngiti naman si Diana at ginatungan pa yungSi Winter naman kunwaring busy na nagsisintas ng sapatos niya.

Diana: Ay oo ngaaaaa kapag namimiss mo siya, amoy-amoy na lang ng polo.

Naiiyak na si Karylle, napatingin siya sa orasan at marahil sa oras na ito, nakarating na si Vice sa airport. Mukhang hindi na rin siya aabot kung sakaling habulin pa niya ito.

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon