File 57.5: Reunite

9.9K 283 20
                                    

Magkahawak ang kamay ng magkasintahan habang naglalakad sa dilim. Hindi makapagsalita si Vice sa harap ni Karylle dahil hindi pa rin siya makapaniwala na binigyan siya ulit ng isang chance ni Karylle.

Nahalata naman ni Karylle ang pagiging tahimik ni Vice, tinititigan lang niya ito pero alam na niya agad kung ano yung tumatakbo sa utak ni Vice kaya agad niyang niyakap ang braso nito at sinandal ang ulo sa balikat ni Vice habang naglalakad. Napangiti naman si Vice sa ginawa ni Karylle at hinalikan ang ulo nito.

Karylle: Kanina ka pa tahimik parang labag sa kalooban mo na sinagot kita ulit ah.

Vice: Nahihiya lang ako sa'yo.

Napalingon naman si Karylle sa sinabi ni Vice at napahinto sila sa paglalakad.

Karylle: Ha? Bakit naman?

Vice: Nahihiya lang ako na kahit ganito lang ako tinanggap mo ulit ako.

Napailing naman si Karylle sa sinabi ni Vice. Sa totoo lang, hiyang-hiya na talaga si Vice kay Karylle. Sa lahat ng mga nagawa niya, nung nalaman niya na sobrang nasaktan pala niya si Karylle dun na niya narealize kung gaano siya ka-walang kwentang tao. Sobrang baba na ng tingin niya sa sarili niya na halos wala na siyang mukhang ihaharap pa kay Karylle.

Karylle: Makinig ka sa bawat sasabihin ko.

Hinila naman ni Karylle si Vice, hinawakan niya ang dalawang tenga nito at iniharap yung mukha ni Vice sa kanya at hinawakan na ulit ang dalawang kamay ni Vice.

Karylle: Sa dami ng nangyari sa atin, hindi ko rin alam kung bakit ikaw pa rin yung pinili ko eh sinaktan at iniwan mo na nga ako noon siguro naman sapat lang kung iwan din kita ngayon at sabihin kong ayoko di ba?

Napayuko naman si Vice, naluha sa sinabi ni Karylle dahil naalala na naman niya yung mga kasalanan niya kay Karylle. Pinunasan naman ni Karylle yung luha sa pisnge ni Vice at pinagpatuloy yung sinasabi niya.

Karylle: Ang daming tao ang nagsabi saken, "Karylle, ang gaga mo. Ang tanga mo naman, iniwan ka na hopia pa rin."  Ang sakit din masabihan ng tanga ha! Mukha akong tanga at desperadang humahabol-habol sa'yo.

Hindi na rin napigilan ni Karylle ang maging emosyonal sa harap ni Vice dahil ito na siguro yung huling beses na sasabihin niya kay Vice yung ganito kasi ayaw na rin niyang balikan kung ano yung naging issue noon. Napabuntong hininga naman si Karylle bago magsalita ulit.

Karylle: Pero sabihin na nilang tanga ako, sabihin na nilang gaga ako, tatanggapin ko lahat yun kasi mahal kita. Mahal kita at huli ikaw at ikaw lang yung pipiliin ko.

Pinunasan naman ni Vice yung luha niya ng marinig yung mga sinabi ni Karylle sa kanya. 

Vice: Nahihiya ako sa'yo, nahihiya ako para sa sarili ko. Ayoko na dumating yung isang araw na pagsisihan mo lahat ng naging desisyon mo ngayon kasi nararamdaman ko na hindi kita deserve.

Umiling naman si Karylle at hinawakan ang pisnge ni Vice at iniharap sa kanya.

Karylle: Vice, hinding-hindi ko pagsisisihan na bigyan ng chance yung taong sobrang deserving mahalin. Vice, you're worth it.

Pinisil naman ni Karylle yung ilong ni Vice at nagsmile para pagaanin ang loob nito. 

Mariing hinalikan ni Vice ang kamay ni Karylle at tinitigan lang siya. HIndi naman makuntento si Karylle sa ginawang paghalik ni Vice sa kamay niya kaya tumingala siya at nagpout.

 Karylle: Kiss mo nga ko.

Natulala lang si Vice sa sinabi ni Karylle sa kanya at napakamot ng ulo dahil kanina mukhang madrama yung girlfriend niya ngayon naman clingy.

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon