File 56: Free

13.2K 300 106
                                    

Location: Church

Bumaba na si Karylle sa sasakyan ng makita niya ang isang simbahan. Nakita na rin niya yung ibang crew na sinesetup na yung scene na gagawin sa location na ito. Nung una parang wala lang kay Karylle pero nung nakita niya na mistulang parang isang kasal ang magaganap, dun na nagiba yung mood niya. Wala naman kasi sa script ito, wala rin namang nasabi yung direktor at wala rin naman sa istorya kaya nagulat siya nung biglang meron ng ganito.

Pero hindi na lang siya nagsalita at dahan-dahang naglakad para magmasid. Sa mga nakikita niya, hindi naman niya maiwasang maalala lahat nung huling beses na nakakita siya ng ganitong setup, nung araw nung kasal niya kun saan iniwan siya ni Vice. Pinipigilan na lang ni Karylle ang maiyak dahil baka may ibang taong makakita sa kanya.

Justin: Uy Karylle!

 Nagulat naman si Karylle ng biglang tinapik siya ni Justin. Mabuti na lang at dumating siya kung hindi baka mas lalo lang niyang maalala lahat.

Justin: May charger ka ba ng phone? Empty batt na kasi ako manghihiram sana.

Umiling naman si Karylle, napansin naman ni Justin ang pagiging matamlay niya.

Justin: Okay ka lang ba?

Tumango naman si Karylle at tinap ang braso ni Justin na parang inaassure nito na ayos lang siya kahit hindi naman.

Karylle: Try mo tanungin si Tintin, feeling ko may charger siya.

Pinapaalis naman ni Karylle si Justin pero si Justin tulala lang kay Karylle dahil nakita nito na parang naiiyak si Karylle at mukha talagang hindi okay.

Justin: Sure ka ba talagang okay ka?

Karylle: Oo nga, sige na. Go ka na hanapin mo na si Tintin.

Paalis na sana si Justin ng bumalik ulit ito at tiningnan ang mga mata ni Karylle kung umiiyak ba talaga. Sa isip-isip niya baka kasi nagsisinungaling lang si Karylle which is totoo naman talaga.

Karylle: Sige na, hanapin mo na. Okay lang ako, ito talaga parang sira.

Tinutulak na ni Karylle si Justin papalayo, dahil ngumiti na si Karylle medyo gumaan naman ang pakiramdam ni Justin at nakitang okay naman pala talaga si Karylle kaya umalis na rin siya.

Naiwan na naman si Karylle magisa, napabuntong hininga na lang siya nung umalis si Justin. Para kay Karylle, kailangan niyang maging okay at hindi magpahalatang apektado sa mga nakikita niya kasi for sure mapapagalitan na naman siya. Hindi naman siya pwedeng magreklamo ng ganito kasi nga artista siya, ang trabaho niya eh gampanan  ng maayos yung role niya at kasama sa role niya yung ganito, kahit biglaan dapat marunong siyang magadjust.

Pagkapasok ni Karylle sa simbahan, nakita niya na nagaayos na rin pala sila dun. Napahawak na lang si Karylle sa may wall at pinagmasdan ang paligid. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ni Karylle, kinakabahan, naiiyak, nasstress, gustuhin man niyang magbackout syempre hindi niya pwedeng gawin yun.

Napayuko na lang siya at dun naiyak. Naalala na naman kasi niya yung nangyari nung kasal niya, kasi hindi naman niya talaga nakita yung itsura ng altar nung kasal niya yung mismong ayos ng loob ng simbahan kasi hindi naman siya umabot dun hanggang sa labas lang dahil nga hindi rin naman natuloy yung kasal nila ni Vice. 

 Pinunasan na ni Karylle yung luha niya at aalis na sana ng biglang may sumigaw at tinawag siya.

Vice: Karylle!

Napalingon naman si Karylle at nakita niyang nasa harapan si Vice. Mas lalong dumagdag sa mabigat na emosyon ni Karylle ng makita si Vice sa harap pa talaga ng altar, nakangiti at kumakaway pa sa kanya.  Naiisip ni Karylle, ganito pala yung feeling ng parang ikakasal tapos nasa harap ng altar yung lalaking mahal mo hinihintay ka. 

Operation: Marry MeWhere stories live. Discover now