File 55: Feel

16.4K 365 105
                                    

Magkaharap ang vicerylle nagayon sa isang table. Busy si Karylle habang naghihighlight ng mga lines niya sa script at masusing pinagaaralan ang mga magaganap na eksena nila ni Vice mamaya. Katulad ni Karylle dapat si Vice pinagaaralan din ang script nila kaso lang kanina pa ito nakangiting tinititigan si Karylle.

Karylle: Vice, sang part ka na? Pacheck nga nito

Pinakita naman ni Karylle kay Vice yung papel na hawak niya pero si Vice mas tinodo ang ngiti ng mas makita si Karylle sa malapitan. HIndi naman napapansin ni Karylle ang mga kinikilos ni Vice dahil nga nagfofocus ito sa trabaho niya.

Karylle: Kasi ang weird nung sinabi tapos parang hindi akma sa takbo nung story. Tama ba yung nasa isip ko?

Hindi pa rin pinapansin ni Vice ang pagtatanong ni Karylle at busy na tinititigan ito na parang nababaliw na.

Karylle: Uy Vice

Lumingon na si Karylle at tumambad sa mukha niya ang mukha ni Vice na nakasmile at parang kinikilig ng hindi mo alam ang dahilan. Nagtataka naman si Karylle kung anong nangyayari kay Vice dahil sa pagkakaalam niya naguusap lang sila about sa script tapos yung nasa script naman, heavy drama kaya walang rason para mapangiti ka.

Karylle: Bakit ka nakangiti?

Vice: Natutuwa ako sa nakikita ko.

Medyo napikon naman si Karylle kasi medyo malayo na yung page na tinatanong niya kay Vice eh kanina pa pala ito hindi nakikinig.

Karylle: Hindi nakakatuwa lalo na kapag napagalitan na naman tayo ni Billy mamaya.

Vice: Hindi yun magagalit, bati na tayo eh.

Karylle: Magagalit yun kasi hindi natin inaayos ang trabaho.

Dahil mukhang seryoso na si Karylle, naging seryoso na rin si Vice pero ganun pa rin nakangiti pa rin siya at naaaliw kay Karylle. Natutuwa kasi si Vice kasi mukhang bumalik na ulit sila sa dati, nung nagsisimula pa lang sila as loveteam, yung magkaibigan na vicerylle.

Vice: Sorry.

Nilabas na ni Vice yung script niya para pagaralan yung scenes nila. Yumuko na si Vice at naging seryoso sa ginagawa niya. Napangiti naman si Karylle habang tinititigan niya si Vice na seryoso ng nagbabasa. 

Vice: Sobrang ganda mo kasi kaya ang hirap magfocus.

Natawa naman si Karylle pero hindi na niya pinahalata kay Vice dahil baka magmukhang hopia na naman siya sa harap nito. Lumingon naman si Vice para tingnan ang reaksyon ni Karylle sa sinabi niya, nahuli naman niya ang pagiwas ng tingin ni Karylle at napansin rin ang lihim na pagngiti nito sa kanya.

Vice: Bakit ka nakangiti?

Umiling naman si Karylle at patay malisya. Todo deny kahit nahuli na ganun talaga, walang aamin kahit nahuli na.

Vice: Bakit nga?

Karylle: Eh di natutuwa rin ako sa nakikita ko.

Vice: Kasi gwapo ko?

Natawa naman si Karylle sa sinabi ni Vice dahil sa pagiging humble nito. 

Karylle: May dumi ka sa mukha.

Biglang naconscious naman si Vice at todo punas ng mukha niya. Dinerecho naman ni Karylle ang pagbabasa ng script at hinayaan na lang si Vice.

Vice: Kanina pa pala may dumi hindi man lang sinabi, nakakahiya tuloy.

~~~

Nasa location na ang vicerylle, ilang minuto pa lang silang naghihintay para sa eksena nila ng biglang dumating si Sam na may dala-dalang bulaklak. Nakangiti itong kinawayan si Karylle. Todo chika naman lahat ng tao ng makitang iabot ni Sam ang bulaklak sabay nagbeso. 

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon