File 52: Controlled

13.1K 345 92
                                    

Billy: Okay everyone, meet Sam. Siya ang bagong karakter sa pelikulang ito na makakalove triangle ng vicerylle.

Nakafocus naman ang lahat sa pagdating ni Sam. Nung una nagulat sila lalo na si Tintin kasi kilala naman niya si Sam dahil hindi naman ito ang una nilang pagkikita. Si Vice naman medyo nabigla din pero mukhang okay na rin sa kanya kasi trabaho naman yun. Si Karylle, parang walang pakialam. Bago pa man dumating si Billy, nakatingin lang siya kay Vice na nakaupo sa harap niya. Hindi na niya napansin na may isang bagong kakilala ang makakasama niya.

 Billy: From now on, makakasama siya sa unit nila Karylle and Tin. 

Tintin: Oh my goodness, Karylle!

Todo kalabit naman si TIntin kay Karylle para ipaalam dito kung sino ang lalaking makakasama nila. Halos lahat ata ng babae nakatitig lang kay Sam dahil sa angking kagwapuhan nito samantalang si Karylle, malungkot na tinititigan si Vice. Hanggang ngayon, nagiisip pa rin siya ng ibang plano dahil halos lahat kasi ng naisip niya before, lahat sablay.

Tintin: Ang gwapo, eeee!

Pinalo na ni Tintin si Karylle pero walang epekto dahil tulala pa rin ito kay Vice. Si Vice naman napapangiti na lang sa mga nangyayari sa paligid niya. Aligaga kasi ang lahat dahil sa pagdating ni Sam.

Karylle: Wala na ba talaga

Tintin: Karylle jusko papalapit siya sa'yo!

Karylle: kahit konti lang, iparamdam mo naman na meron pa

Tintin: Waaaaaah! Karylle! Emerghed ang gwapo!

Napalingon naman si Vice kay Sam na nilapitan agad si Karylle. Hindi niya maikakaila ang inis na nararamdaman sa mga ngiti ni Sam kay Karylle. Mabuti na lang si Karylle, tulala.

Nagsmile naman si Sam at nilapit ang mukha niya kay Karylle. Bagaman baguhan pa lang siya, nahihiya naman si Sam na makisalamuha sa ibang cast na andun. Si Karylle lang naman ang kilala na niya so siya ang una nitong nilapitan.

Sam: Hi, Ms K!

Sa hindi inaasahan, natabingan ni Sam ang view ni Karylle kung saan tinititigan niya si Vice. Medyo nainis naman si Karylle sa malaking harang sa tabi niya, hindi niya namalayan na si Sam pala yung nasa harap niya.

Karylle: Tabi nga, wag kang harang

Napakamot naman si Sam at natawa na lang sa sinabi ni Karylle. Napalingon tuloy siya kung saan nakatingin si Karylle. Sinilip din ni Tintin kung anong tinitingnan ni Karylle at nang makita niyang si Vice na naman, agad niya itong binatukan.

Karylle: Aray ko

Sumenyas naman si Tintin na nasa harap niya si Sam. Nagulat naman si Karylle ng makita si Sam, ang bago niyang kaibigan.

Karylle: OMG, Hi! Wait, teka, anong ginagawa mo dito?

Binatukan ulit ni Tintin si Karylle dahil halatang hindi ito nakikinig kay Billy kanina.

Tintin: Bagong leading man mo teh! Di nakikinig? Nganga kay Vice ganern?

Karylle: Sssh marinig ka naman.

~~~

 Magkasama si Sam at Karylle na naglunch. Hanggang ngayon hindi pa rin maalis ni Karylle ang tingin kay Vice. Siguro kung hindi alam ni Sam na dating magkarelasyon si Karylle at Vice, malamang inisip na nito na may matinding pagnanasa si Karylle at may pinaplanong malaswa kay Vice.

Napabuntong hininga na lang si Karylle dahil kahit isang beses never siyang tiningnan ni Vice. Pinagbalingan na lang ni Karylle ang pagkain sa harap niya.

Operation: Marry MeWhere stories live. Discover now