File 60: OMMK

9.9K 263 36
                                    

*** The longest drama anthology is about to start, let's go #OMMK

Habang hinihintay si Vice, nakaupo na lang si Karylle at naging busy sa paggamit ng cellphone niya. Hindi siya mapakali sa mga narinig niya.

May isang bagay ang gumugulo sa kanya, siguro ito ang naging dahilan ni Vice kung bakit hindi na niya tinuloy ang kasal.

Binalikan naman ni Karylle yung mga panahon pagkatapos ng kasal at yung mga bagay na nangyari kay Vice nung umalis siya sa Pinas.

Iba't-ibang articles ang kumalat noon, halos isumpa na siguro si Vice sa sobrang dami ng hindi magagandang balita ang binabato sa kanya. Pero instead na depensahan ang sarili, lahat ng yun tinanggap lang niya.

At kung minalas nga naman, sumabay pa ang pagkamatay ng pinakamamahal niyang lolo. Hanggang naissue pa si Vice na nagkaroon ng matinding depresyon dahil sa mga nangyari.

Ilang beses din kumalat ang issue na ilang beses na rin itong muntik ng magpakamatay nung panahong namatayan ito, kahihiyan ng buong pamilya niya sa kasal, nagkaproblema ang KV at umalis si Karylle, iniwan siya.

Dahil sa mga nababasang lumang articles ni Karylle, naalala naman niya yung malalim na scar sa may braso ni Vice nung nagtitiklop ito sa bedroom.

~

President's Office

Billy: Kelan mo planong sabihin yung totoo?

Vice: Totoo? Anong totoo?

Billy: Come on Vice, alam kong magkasama kayo ni Karylle ng buong araw kaya hindi ka na macontact dyan.

Vice: Okay fine, dahil alam kong importante ka naman sa amin ni Karylle at ikaw lang din ang mapapagkatiwalaan ko, sige sasabihin ko na.

Natawa naman si Billy sa pagiging masigla ngayon ni Vice. Sa isip-isip ni Billy, iba talaga ang epekto nito Karylle sa kanya.

Vice: Kami na ulit ni Karylle and may plano na kong magpropose sa kanya ng kasal.

Napalunok naman si Billy sa sinabi ni Vice.

Billy: Ohh wow, congrats sa inyo.

Sabi nito na medyo nag-aalinlangan pa kasi nga yung nangyari kay Vice noon, hindi pa rin naman nito nasasabi kay Karylle yung totoo. Billy's point of view, kelangan muna sabihin kay Karylle syempre yung totoo bago magkasal-kasal kasi hindi naman simpleng topic yun na kelangan ibalewala.

Billy: Nasabi mo na kay Karylle?

Vice: Hindi pa nga eh, pangalawang beses na to pero parang mas nakakakaba yung ngayon.

Nakangiti namang pinagmamasdan ni Vice yung singsing na hawak niya.

Billy: No, I mean... yung tungkol sa kondisyon mo and plans mo about having kids.

Natigilan naman si Vice ng marinig yung word na kids, kung kanina masaya, ngayon biglang natulala.

Vice: May mga bagay tayong hindi sinasabi kasi hindi rin naman niya kailangang malaman pa.

Nagulat naman si Billy sa sinabi ni Vice at plano nitong ilihim kay Karylle.

Billy: Vice, hindi biro yang gagawin mo kailangang malaman ni Karylle yung tungko-

Vice: Shut up.

Billy: Pero Vice...

Vice: Hindi niya kailangang malaman. Hindi niya pwedeng malaman. At hinding-hindi na niya malalaman hangga't hindi pa kami kinakasal.

Naguguluhan naman si Billy sa Vice na kaharap niya ngayon, ibang-iba sa Vice na kaibigan niya. Mukhang nasisiraan na ng bait si Vice sa kagustuhan nitong ikasal sila ni Karylle.

Operation: Marry MeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin