Kahit may limang hakbang na pagitan ramdam na ramdam ni Ysa ang init ng tingin ni Vane sa kanya. Bahagya pa nga syang namula ng pasadahan sya nito mula ulo hanggang paa. Tumaas naman ang isang sulok ng labi ni Vane  ng mapansin na nagblush sya.

Isang lalaki ang nanakasuot ng puti ang lumakad sa pagitan nila at pumuwesto sa gitna ng hanay.

"Ladies and Gentlemen lahat kayo ay naandito para saksihan ang pag-iisa ng labing-limang pares na ito," tinawag nito ang pangalan ni Vane. "Master Vane Cedric Montereal." Vane bow ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata nya. "Lady Angelique Ysa Santiago." She curtsy at tulad ni Vane hindi niya inaalis ang tingin  sa lalaki.
Ginawa din iyon ng mga sumunod na pares.

"Sa mga Hunter itaas nyo ang kanang kamay at ulitin ang sasabihin ko."

"Ako si Angelique Ysa Santiago ay nangangako bilang bagong miyembro ng Family na aalagaan at pro-protektahan ang pamilyang kinabibilangan ko. Sumusumpa ako ng katapatan at ibibigay ko rin ang aking tiwala sa kanila. Pinapangako ko rin na mamahalin ko ang aking kapareha sa lahat ng oras at uunahin sya bago ang aking sarili. Wala akong ibang mamahalin at makakasama hanggang sa huling sandali ng aking hininga  kundi siya lang. Sumusumpa ako ng isang tapat na pag-ibig na para sa kanya lamang.  Ito ang aking pangako na pinagtitibay ko. Buhay ko ang kapalit kung sakali man na hindi ko matupad ang pangako at sumpang  ito." Isa-isa sinabi iyon ng mga Hunter na tulad ni Ysa ibat-ibang lengguwahe kung saan mas komportale ang sumusumpa.

"Ako si Vane Cedric Montereal ay nangangako na aalagaan, mamahalin at pro-protektahan ang tao na ngayon ay nagmamay-ari sa akin. Sumusumpa ako ng buong katapatan at pagmamahal. Ibinibigay ko ang aking tiwala sa kanya at sumusumpa rin na sya at tanging syang lang ang magmamay-ari sa akin hanggang sa aking huling hininga. Ito ang aking pangako na pinagtitibay ko. Inaalay ko ang aking buhay kung sakali man na hindi ko matupad ang pangako at sumpang ito."

"I love you."  Vane mouthed after his vow.

"I love you too." Ganti ni Ysa.

"Bilang isang alagad ng Diyos kayong mga kaparehang nasa harap ko ay aking pinagbubuklod, at tinatali sa isat-isa. Kayo rin ay aking binabasbasan, hangad ko ang isang magandang pagsasama para sa inyong lahat. "Sabi ng nakaputing lalaki.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Ysa. Kinakasal ba sila? Akala nya ang Wedlock party ay isang pagpapakilala  sa mga bagong miyembro.

"Kinakasal nyo ba kami?" Hindi nya napigilan na tanong.

Natigilan ang lalaking nakaputi  at napatingin sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na may nagtanong sa lalaki sa gitna ng seremonya.

"Ito ay isang seremonya ng pagbubuklod lady, katumbas ito ng isang kasal sa labas ng Family."

"Hala kasal na tayo Bev." Sabi niya na tinignan ang binata. "Pero bakit walang palitan ng I do Bev at saka wala din ba hagisan ng bouquet. Sayang iyon pa namn ang favorite part ko."

Nagtawanan ang mga nanonood kabilang na sina Rolf, ang D&A at ang first four sa mga sinabi nya. Napaface palm ang Elders at napangiti naman si Vane.

"Huwag kang mag-alala hija pwede pa naman kayong ikasal sa simbahan. Ang seremonya ito ay isang tradisyon lang sa Family ngunit lahat ng miyembro ay kinokonsidera itong kasal dahil may mga papeles kayong pipirmahan pagkatapos nito"

Napatango-tango naman sya. Pagkatapos nanlaki ang mga mata. "Hala asawa na talaga kita Bev." Bago pa makasagot si Vane sa kanya binalingan nya si father. "Seryoso ba iyan father walang halong biro ibig bang sabihin nito asawa ko na talaga si Bev akin na talaga sya?" Excited nyang tanong. Nang tumango ang lalaki malakas syang napa 'yes'.

"Angelique Ysa." Pumailanlang naman ang boses ni Yverez.

"Ay sorry naman po lolo na excite lang hehehe peace po." Sumenyas pa sya ng peace sign sa matanda na ikinailing nito.  "Ituloy nyo na po father." Ngiting-ngiti sabi nya. Kumindat pa sya kay Vane ng magtama ang mga mata nila.

"Inihahandog ko sa inyo ang mga bagong magkapareha sa Family." Tinawag ni Father ang  parehas hanggang sa makarating sa pangalan nila. "Mister and Misis Montereal. Humarap sila ni Vane sa mga naroon. Muling nagbow si Vane at curtsy naman sya.

Pagkatapos naglakad sya kung saan sya sunod na pinapapuwesto eksaktong tumapak ang mga paa nya sa harap ng isang lalaki na kilala nya sa pangalan na Froilan pumailanlang ang isang tutog.

Then the Tango dance begin.

Eksperto gumalaw ang katawan at kumembot ang bewang nya. Sa umpisa sumasayaw  lang sya gumagalaw sa tugtog.
Pero ng umikot sya at mapunta sa mga bisig ng taong gusto nyang makapareha noon nya dinama ang tugtog. Her head held high, her spine straight, her core strong and chest lifted, and her confidence's oozing from her body languange.

Nagsimula narin syang makaramdam ng kuryente dahil sa pagkakadikit ng mga katawan nila ni Vane. Walang nagsalita sa kanila basta magkaugnay lang ang mga mata.

They're sensually dancing. Sa bawat pagdidikit ng mga katawan nila may tila ningas na nagsisimula. Sa bawat pagdikit ng kamay nya sa dibdib ng binata. Iyong ningas naging aapoy. Balat sa balat hininga sa hininga.

They rock back and forth, moving they weight from foot to foot. Sometimes she's the lead and sometimes him. They dance synchronizingly sexily and hotly.

And when the dance and the song ended pareho silang humihingal habang magkayakap. Pero kahit tapos na ang tugtog ramdam nila pareho ang apoy na nabuhay sa pagitan nila.

"I miss you Miss."

"I miss you Bev."

Sabay nilang bigkas. Dumeretso sila ng tayo naghiwalay at sabay ding ngumiti and still the passion was there.

Yayakap sana sya ulit ng magsalita si father. Wala syang nagawa kundi umatras tatlong hakbang palayo sa binata.

May mga dumating na mga tauhan ng Family. At may bitbit na tig-iisang basket.

"Hello?" Bati ni Ysa ng tumapat sa kanya si Purple Reign. Ito iyong nakalaban nyang tauhan ng Family at nagbigay sa kanya ng coin na may tatak ng agila.

"Para po sa inyo Lady." Sabi nito

"Salamat kuya." Natigilan si Reign ng isang ngiti ang pinakawalan ni Ysa ngiting nagsasabing nakilala sya nito.
Lihim na napangiti ang binata, labis din ang panghihinayang nya dahil pagmamay-ari na ito ni Vane Montereal. "Kung sanay una mo akong nakilala." Piping nahiling nya pagkatapos iabot ang basket kay Ysa.

Sinilip ni Ysa ang laman ng basket, laman niyon ang isang silver chain  na kwintas na ang mga palawit ay  pangalan nya at apelyido. May letter F din nakasama iyon. Nang tignan nya si Vane may hawak narin itong basket.

"Ang mga kwintas na iyan ay isusuot nyo sa inyong kapareha pagpapatunay na kayo ay nakatali na sa isat-isa." Narinig nyang sabi ni father.

Sabay silang lumakad ni Vane huminto sya ng kalahating hakbang na lang ang pagitan nila sa isat-isa una nyang sinuot ang kwintas na hawak rito hinagod pa ni Vane ang  bewang nya ng magdikit ulit ang katawan nila. Iyong puso nyang mabilis ang tibok domoble pa dahil sa sensuwal na paghagod nito. At nang ito na ang magsusuot ng kwintas sa kanya dumikit at humalik pa ang mga labi nito sa leeg nya.

Pangalan at apelyido nito ang palawit  ng kwintas nya na may kasamang letter F.

Nang tumingala sya kay Vane sinalubong sya ng mga halik nito.
Yumakap sya rito ng mahigpit tumugon sa mga halik nito. At pareho nilang hindi pinansin ang palakpakan ng mga naroon.

Wala na syang pakialam sa paligid.
She's kissing her Bev...finally at iyon lang ang tanging mahalaga sa kanya.

to be continued...

H/n

Salamat sa pagbabasa.

7202018npo 8:56



His Innocently Lethal YSAWhere stories live. Discover now