40. Akin Parin

79.2K 2K 426
                                    

Salamat sa book cover

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Salamat sa book cover...😊😊😊...

*****

Mariing ipinikit ni Ysa ang mga mata ng masilaw sa liwanag na nagmumula sa araw.

Nasa lumang bahay parin sila sa may kasukalan.

Nakahiga sya sa isang tabla na nakalatag at nakakumot ng isang kulay asul na jacket.

Base sa amoy niyon alam nyang si Vane ang nagmamay-ari ng jacket.

Kahit napapangiwi sa sakit mula sa tama ng bala, hindi niya maiwasan na mapangiti. Kinuha nya pa ang jacket at inamoy iyon.

Nang magsawa sa kakaamoy tumayo sya huminga muna ng malalim para pamanhirin ang sarili bago dahan-dahan na naglakad.

Nasaan ang mga tao dito?

Nasa second floor sya at nang mapadaan sya sa sirang bintana nakita nya si Gen at ang mga Elf na kasama nila.

Wala si Vane,si Rolf, si Divine ang first four at ang mga beta nya.

"Where are they?" Bulong nya.

Bumaba sya ng hagdanan nasa gitna na sya ng mapahinto. Mula kasi sa kinatatayuan nya naririnig nya ang tinig ni Vane.

Napangiti siya. Bumalik sa isip nya iyong ginawa nitong paghalik sa kanya sa tulay.

Tatakbo sana sya pababa ng matigilan, biglang nagsink-in sa utak nya kung ano ang sinasabi ng binata...kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito napaawang ang mga labi nya. Napaupo sya sa hagdan kasunod niyon ay ang pangingilid ng luha sa mga mata nya.

Ngayon nasagot na iyong mga tanong nya...

Kung bakit nagawa iyon ni Vane... ng mga kaibigan nito ng mga taong itinuring nyang kaibigan. Kung bakit nagawa syang saktan ng mga ito.

Naririnig nya ang dahilan ngayon lahat-lahat.

Kalmado na pinapaliwanag ni Vane sa mga beta nya ang mga iyon.

"That's the reason why I did that pinalayo ko sya dahil ayaw ko syang masaktan...ayaw ko syang madamay...Pinoprotektahan ko sya." Sabi ni Vane na kinatango ni Stendi, Vox at Mik.

Mula naman sa kinauupuan ni Ysa tumayo sya. Pinalis ang luha at galit na bumaba at naglakad papunta sa dating kusina ng bahay.

Galit na galit sya. Hindi lang sa binata kundi sa mga taong tinuring nyang kaibigan.

"Sinong may sabing kailangan mo akong protektahan!" Ang galit na bungad nya.

Napatayo ang lahat maliban kay Divine.

"Y-ysa." Sambit ni Vane sa pangalan nya.

Galit nya itong nilapitan walang pakialam kahit na kumikirot ang sugat nya.

"Sinong may sabing mamatay ako! Sinong may sabing ayaw kong madamay sa pesteng magulo mong mundo." Itinulak nya ito.

"Ysa..." aktong lalapitan sya ni Barbie ng tignan nya ito ng matalim.

His Innocently Lethal YSAWhere stories live. Discover now