30. Mga Lalaki ni Ysa

86.7K 2K 549
                                    

Kinabig si Ysa ni Vane papunta sa katawan nito, hanggang sa magdikit ang mga katawan nila.

Nang tumingala sya nakatitig sa kanya ang binata.

She want to rest her head in his chest. Gusto nyang yakapin ang binata at hindi na humiwalay dito.

Gusto nyang sabihin nito na okay na ang lahat at isang malaking biro lang ang nangyari ng nakalipas na buwan.

But then, her heart and soul shattered again ng marinig ang sinabi nito.

"You are making a commotion Elf. Ang ayaw ko sa lahat nagugulo ang MC para sa isang tulad mo lang."

"Vane..." si Rolf na lalapit sana sa mga ito pero tinignan ng matalim ni Vane.

"Why did you came back, sa pagkakaalam ko pinaalis ka na rito?" Baling ulit ni Vane kay Ysa na blanko ang mukha.

Napangisi naman si Divine. "My Babe is right. Naitanong ko na sayo ito Nerd, bakit ka bumalik rito eh wala ka naman nang babalikan." Nang-aasar na sabi pa nito.

Itinulak naman ni Ysa si  Vane, pero tila bakal ang mga kamay nito sa bewang nya.

"Let me go!" She hissed.

"Why? Para iparada mo sa lahat iyang katawan mo?" Tumawa ng pagak si Vane. "I'm sorry Elf, you do have a body to die for pero para sakin isang walang kwentang katawan lang iyan. I can have many girl too, mas maganda at sexy pa sayo. Like what you said hindi ko rin kailangan isang Ysa Santiago sa buhay ko. Tapos na akong laruin ka at wala na akong planong umulit pa."

Ysa's heart bled out, pero hindi nya hinayaang bumakas iyon sa kanyang mukha.

Hindi sya sumagot o nagsalita tinignan nya lang ng deretso sa mga mata si Vane.

Natitigan ang dalawa, parehas silang walang pakialam sa paligid, parehas na hindi gustong alisin ang tingin sa isat-isa.

Itinulak nya ulit si Vane, pero tulad kanina hindi ito bumitaw.

"Don't worry hindi naman para sayo ang katawang ito." She said after a minutes of silent. "Tulad nga ng sabi ko, hindi lang naman ikaw ang lalaki sa mundo. Bumalik ako, hindi para balikan ang kung anong putang-inang meron tayo. Bumalik ako dahil magtatapos ako...ng pag-aaral dito." Madiin nyang sabi. "I'm just here to graduate nothing more nothing less, but if your fucking girlfriend did or do something to me, pasensyahan tayo pero gaganti ako." Ngumisi sya. "Tell that bitch to fuck-off dahil lahat ng gagawin nya sa akin gagantihan ko ng gulo. Did you hear me Vane Montereal? Itali mo iyang girlfriend mo sayo para hindi na maulit ang ganito."

Nagulat ang lahat sa sunod-sunod na mura nya..she the ever sweet and innocent Ysa.

"Why don't you leave? Sa ibang school ka magtapos. You...are...not...welcome here Elf."

A hand grip Ysa's heart, her mind  is crying in pain, pero taas ang noong sinagot nya parin ito.

"Tulad ng tanong ko sa girlfriend mong pilingera, kaya mo bang pahintuin ang hangin? Kapag kaya mo, sigurado ako ni anino ko hindi mo na makikita dito."

"Huwag mo akong hamunin babae, I can kill you...ng walang pag-aalinlangan." Sabi ni Vane na  nakuha agad ang ibig sabihin ni Ysa. "So you better leave at huwag nang bumalik dito... kahit na kailan."

Nilapirot, sinakasak at tila ginutay-gutay ang puso nya sa sinabi ng lalaki.

Nahihirapan na naman syang huminga... naninikip na naman ang dibdib nya.

Ngumisi sya, ngising sinabayan ng lungkot ng kanyang mga mata.

"Then kill me, be my guest." Hamon nya sa binata.
"and end this damn pain!" Dugtong ng isip nya

His Innocently Lethal YSAWhere stories live. Discover now