39. Rason

75K 2K 380
                                    

*****

Present

Hindi alam ni Vane kung bakit naalala nya iyong unang araw na nagkita sila ni Ysa...
Unang araw kung kailan naging ito na ang buhay nya.

Sinalo nya ang babae ng bumagsak ang walang malay nitong katawan sa kanya.

"Ysa! Fuck!" Kinuha nya ang baril  at pinaputukan ang ang lalaking bumaril dito.

Sunod-sunod halos ubusin nya na ang bala ng baril nya.

Tumigil lang sya ng bumagsak ang lalaki pahulog sa tulay.

"Shit Ysa!" Halos mapaupo sya para lang mahawakan ang pisngi ng babae pilit na kinakalimutan nya.

This is the reason why he pushed her away iyong makita itong ganito...ang masaktan ang pinakamahalagang babae sa buhay nya ng dahil lang sa bwisit na gulong ito.

"Fuck Ysa don't do this. Please open your eyes Miss. Damn! don't you fucking dare die on me Miss!" Niyakap nya ang babae.  "Miss please..." tumulo ang luha sa mga mata nya.

Makakaya nya ang malayo rito basta buhay ito... basta alam nyang ligtas at okay ito.

Ang hindi nya kaya ay ang ganito... ang mawalan ito ng buhay!

"What are you doing Montereal! Bakit nakatunganga ka, bakit umiiyak ka lang dyan... you fucking do something kumilos ka bago sya mawala!"  Sigaw ng isip nya.

Dahil doon napatayo sya mabilis na binuhat ang babae.

Patakbo syang nagpunta sa tinutuluyan nila.

"What the hell happened?" Si Stendi na sumalubong sa kanya at may hawak na baril.

"Nabaril sya."

Sunod-sunod ang pagmumura nito, ganon din sina Vox at Mik ng makita ang kalagayan ng dalaga.

Kahit ang iba nilang kasama napatingin at nag-alala.

Ibinaba nya si Ysa sa isang medyo may kalakihang mesa.

Putol ang isang paa niyon na mabilis lang na nilagyan ni Vox ng sangkal para hindi matumba.

Eksaktong pagkababa nya nakalapit na si Mik sa kanila.

"Move Bro." He said to him hinawi sya. Hawak nito ang bag at may inilabas na kung ano-ano.

"What the?"

Aangal  sana sya ngunit pinigilan sya ni Stendi.

"Student doctor sya."

Kunot noong tinignan nya si Stendi.

"Student?"

"Don't worry caz, he maybe a student pero isa sya sa pinagmamalaki ng chapter namin, alam nya ang gagawin nya and hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na nabaril si Ysa, si Mik talaga ang taga-gamot sa kanya. So trust him."

Ayaw man nya walang nagawa si Vane kundi ang tumabi, kung ang buhay ng babaeng mahal nya ang nakataya... gagawin nya ang lahat. Lahat-lahat ultimo masaktan sya.

Idinapa ni Mik si Ysa. Sinira ang damit ng babae para mailantad ang sugat nito. Pinigila nya ang iritasyon ng bumilad sa mata ng lahat ang likod nito.

"She will be pissed tinamaan ang tattoo nya." Kalmadong sabi ni Mik habang pinupunasan ng bulak ang paligid ng sugat ng babae.

He's right may tama nga ang tattoo ni Ysa. Sa mismong pulang rosas na nasa tagiliran nito.

"Damn! Lagot tayo nyan... mabuti pa huwag muna nating sabihin tiyempuhan natin na malamig  ang ulo." -si Vox.

"Basta hindi ako ang magsasabi."- Stendi.

His Innocently Lethal YSAWhere stories live. Discover now