8.Basketball

71.6K 2.3K 598
                                    

For @MarybethJeon197 bhe eto na dedic mo 😊. Salamat


*****
Patingin-tingin lang ako sa likod ni Bev habang naglalakad sya sa harap ko.

"Grabe to si Bev ko pati likod ang kisig."

Kasama nila akong naglalakad papuntang next subject nila.

Nagtataka nga ako eh, bakit sumusunod ako sa kanila eh iba naman ang room ng next subject ko.

Kumamot ako sa tungki ng ilong ko at magsasalita sana ng mapatingin ako sa gym na nasa tapat ng floor na nilalakadan namin.

"Gen?"

Umikot ang mga paa ko at tinahak ang ang daan papunta ruon.

Si Gen nga ang nakita ko kasama iyong iba pang mga Elf na kilala ko lang sa mukha.

Naglalaro sila ng basketball at ang kalaro nila ay sina Gladys at Raquel kasama pa ang ilang mga taga BW.

Nakita ko sina Rolf, Gareth at Richard na nakaupo sa bench at pinapanood ang laro.

"Ano! Umayos kayo ng paglalaro nakakawala kayo ng thrill!" Sigaw ni Gladys.

Bakas naman ang takot sa mukha ni Gen at ng apat pang kasama niya.

Nakina Gladys ang bola.

"Hoy mga Elf hangga't hindi kayo nakaka score ng five points hindi tayo titigil dito. Kahit umabot pa tayo ng gabi o kinabukasan. Maglupasay man kayo sa pagod hindi kami titigil. Pwede kaming makipagpalit kayo hindi kaya umayos kayo!" Sabi ni Raquel na nakangisi.

"Walang hintuan? Aba masaya iyon."

"P-pero wala kaming l-laban sa inyo Lady R-raquel. B-basic lang ang alam namin s-samantalang p-player talaga kayo." Sabi ni Gen na biglang napayuko at napaigik ng batuhin ni Raquel ng bola.

"At sumasagot ka pa! Problema nyo na iyon. Basta ang gusto namin makipaglaro kayo naiintindihan nyo ba!"

Takot na takot na tumango silang lima.

Nagsimula ang laro.

Obvious na obvious naman na talo na sina Gen, ni hindi nga sila makahawak ng bola at kapag nahahawakan naman sila inaagaw iyon ng grupo ni Gladys na may kasamang dahas.

Ilang beses ngang nasampal at nasikmuraan si Gen.

Umiiyak na silang lima natatakot sila kapag napupunta sa kanila ang bola. Ten points na sina Gladys pero sila wala pa.

Nakita kong nahawakan ulit ni Gen ang bola.

Hindi nya alam kung tatakbo o ibibigay na lang nya kay Gladys iyon dahil papasugod na sa kanya ang dalaga.

Isang suntok sana ang papakawalan ni Gladys patungo sa kanya ng tumakbo ako sa court, hinila ko sa kamay si Gen, at sa hangin tumama ang kamo ni Gladys.

Hinarap ko ang nabiglang si Gen sa ring pumuwesto ako sa likod nya at mula ruon itinaas ko ang mga kamay nyang may hawak sa bola sabay bangga ko sa likod ng mga tuhod nya para bumaluktot iyon.

"Jump Gen."

Sumunod naman at kasabay ng pagtalon nya ay ang pagbitaw naman namin sa bola.

Tumilapon iyon at dere-deretsong pumasok sa ring.

"Yessss!" Sigaw ko na humarap kay Gen at nagtatalon habang hawak ang mga kamay nya.

"Naka two point na kayo." Masayang sabi ko.

"Y-ysa."

Biglang bumakas ang takot sa mukha nya kasabay ng paghila ni Gladys sa buhok ko.

"What are you doing!" Galit na sabi nya.

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon