53. Parusa

62.7K 1.5K 149
                                    


***

"Masakit pa?" Tanong ni Vane kay Ysa habang ginagamot niya ang sugat na natamo ng babae. Hindi nya ito dinala sa clinic dahil ayaw nyang malayo ito sa kanya. Nap-praning na yata sya, ngayon nagkabalikan na sila ayaw nyang mawala sa pangin nya ang babae.

Umiling naman si Ysa habang nakatingin sa lalaki ginagamot ang mga sugat nya sa katawan.

Nasa kwarto sila ni Vane sa Villa. Hinihintay ang doctor na pinatawag nito para gamutin ang mga pinsala nya. Habang naghihintay sa doctor binibigyan sya nito ng first aid.
Nakaupo sya sa kama habang nakaluhod ito sa sahig. Itinaas nya ang isang kamay at pinaglaruan ang buhok nito. "Bev..." tawag nya sa binata. Nagtaas ito ng tingin. "Totoo ito di ba andito ka talaga sa tabi ko? Hindi lang ito panaginip diba? " ibinaba nya ang kamay ngumiti ng tipid. "Baka kasi hindi totoo ang lahat ng ito. Baka kumurap lang ako wala ka naman pala sa harap ko  na nag-iilusyon lang ako, baka---" lumapat ang mga labi ni Vane sa mga labi nyang nagsisimula ng manginig dahil naiiyak sya habang nagsasalita. Pumikit sya at dinama ang magaan na halik nito.

"This is real. Hindi ako isang ilusyon lang nasa harap mo talaga ako hawak-hawak ko ang mga kamay mo," dumulas ang kamay nito papunta sa likod nya at kinabig sya papalapit sa katawan nito, nakaupo narin ito sa gilid ng kama  sa pagkabig nito sa kanya mas naramdaman nya ang kuryenteng hatid ng katawan nito. "Yakap kita, hinahalikan." And he kissed her again.
Yumakap sya sa lalaki tumugon sa halik nito nang maglayo ang mga labi nila yumakap sya rito ng mahigpit.

"Waaa Bev na miss kita, sobrang miss na miss kita," ipinatong nya ang baba sa dibdib nito at tiningala ang binata. "Miss kong tignan iyang mga mata mo, miss kitang yakapin ng ganito," niyakap ng mahigpit ang binata. "At miss kitang halikan ng paulit-ulit." She kiss him lightly repeatedly. "I'm glad you are by my side again Vane." She said seriously.

Tulad ng dati kapag binibigkas ni Ysa ang pangalan ni Vane, may nararamdaman syang mainit na kung anong humahaplos sa puso nya, then he will picture himself and her, magkasama sila sa iisang bahay at may sariling pamilya.
"I will never ever leave you again Angelique Ysa," hinaplos nya ng ang pisngi  ng babaeng may pasa. "Hindi ko hahayaan na masaktan ka ulit," he sighed. "Alam ko paulit-ulit akong nangangako at sa mga pangakong iyon wala man lang akong natupad noon, but then I'll promise you this I Vane Cedric Montereal will spend my life with Miss Angelique Ysa Santiago, at kung meron man ako walang hanggang buhay ikaw parin ang pipiliin ko makasama Miss. Damn them to hell at lahat ng mga magtataka pang mapaghiwalay tayo gawin na nila ang lahat pero hindi-hindi na ako bibitaw sayo,"
Ngumiti si Ysa ng matamis, lalo ng ikulong ni Vane ang mukha nya sa palad nito. "My Innocently Lethal Ysa will always be mine and mine alone." Bumaba ang mukha nito para sana halikan sya ulit ng may istorbong kumatok at magbukas ng pinto.

"Hey lovebirds tama na muna iyan," natatawang sabi ni Rolf na pumasok kasunod ang first four, Stendi at Razor.

"Get lost." Masungit naman na sabi ni Vane na hindi inaalis ang tingin kay Ysa.

"Gustuhin ko man Montereal pero andyan na ang doctor na titingin kay Ysa at gusto kayong makausap ng Elders pagkatapos, so mamaya na kayo maglabing-labing dyan."

"Tsss mga istorbo." Natawa naman si Ysa sa pagmamaktol na iyon ni Vane mabilis nyang hinalikan ito sa labi saka kumawala sa pagkakayakap nito. "Hello Masters and Ladies." Bati nya sa mga ito.

"Cutie," aktong yayakap si Rolf pero tumayo si Vane at humarang sa harap niya. "Back off Vasquez."
"Pfft. What yayakapin ko lang naman ang Hunter na nakasilo kay Vane Cedric masama ba iyon,"

"Gusto mo na bang mamatay?" Seryosong tanong naman ni Vane.

Malakas na tumawa si Rolf.
"Pasalamat ka at saiyo na talaga may say ka ng maging possessive sa kanya, pero kung hindi nunka ako mapigilan nyang banta mo."

His Innocently Lethal YSAWhere stories live. Discover now