14. Sunog

69.7K 2.1K 222
                                    

Para sayo Kyllaz salamat sa mga boto☺.


****
Hindi parin ako puwedeng lumapit o makipag-usap ka Bev.

Nam-miss ko na sya pero hindi ko sya pwedeng pansinin. Hindi kami bati eh.

Matatapos na nga ang araw na ganito ang sitwasyon namin.

Pero nagtataka ako, alam ko bawal akong lumapit sa kanya pero heto ako ngayon andito sa KH quarters,naglilinis.

At isa pang pinagtataka ko bakit nila pinalilinis itong Quarters nila eh hindi naman madumi ang linis-linis nga.

Ibinaba ko iyong walis na hawak ko.

Napatingin silang lima sa akin.

Iniwasan ko iyong mga mata ni Bev.

"Puwede na po ba akong lumabas?" Tanong ko.

Napatingin sila kay Vane.

Titingin din sana ako kaso... huwag na lang.

"No." Narinig kong sabi ni Bev.

Siguro itong si Bev, 'meron'.

Hindi kaya dating babae siya nagpasex change lang tapos nireregla ngayon? Kanina pa kasi mainit ang ulo nya.

Kaya nga andito silang lima sa KH Quarters kasi lahat sinisinghalan nya kulang na nga lang awayin at pagsusuntukin nya lahat ng makasalubong nya.

"Narinig mo Ysa hindi daw puwede." Si Chezter.

Ngumuso ako.

Pagkatapos sinipa ko iyong basurahan sa tabi ko dahilan para tumapon ang laman niyon, sunod ay tinapon ko iyong tubig na panlampaso.

"What the fuck are you doing!" Singhal ni Barbie sakin.

Napatayo silang apat habang si Vane ay nakatingin lang sa akin.

"Nagkakalat po." Sagot ko.

"At bakit ka nagkakalat? Pinaglilinis ka namin tanga!" Si Barbie parin.

"Makatanga naman itong si Lady o. Nagkakalat po ako para may lilinisin." Kumamot ako sa ulo.
Ang hirap naman po kasing maglinis ng malinis na."

Katahimikan.

Ilang segundong katahimikan bago bumunghalit ng tawa si Chezter at Stephano.

"Oo nga naman Barbie. Mahirap maglinis ng malinis na." -Chezter

"The best ka talaga Ysa."-Stephano.

"Pfft. Huwag ka ng magkalat Ysa, iyan na ang linisin mo kasi maya-maya uuwi na tayo." -si Stephanie.

Tumango ako.

Si Lady Barbie ang sama na naman ng tingin sakin.

May regla din siya, I'm sure.

Wala sa loob na napatingin ako kay Bev.

Nagkahugpong ang mga tingin namin.

Ngayon na nakatingin ako sa mga mata nya, parang gusto kong tumakbo at yumakap sa kanya ng mahigpit.

Nam-miss ko na talaga sya.

Bumuntung-hininga ako at nag-iwas ng tingin.

Maglilinis na nga lang ako. Baka magalit lalo eh.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

Nauhaw ako mayamaya kaya pumunta ako sa kusina. Habang umiinom naramadaman ko ang pagpasok ni Bev, amoy palang alam kong sya na talaga, hindi ako umimik o lumingon sa kanya.

His Innocently Lethal YSAWhere stories live. Discover now