31. Magbalik

87K 2K 224
                                    

"Nasaan sina Stendi?" Tanong ni Stephanie kinabukasan.

Nalaman nila na nag-enroll ang tatlo dito sa MC kagabi ng mag-inuman sila. Umalis lang ang tatlo ng makatanggap ng tawag.

Nagkibit-balikat si Barbie.
Wala pang instructor kaya inaaliw nya ang sarili pagm-make-up.

"Babe nood tayo sine mamaya." Pumulupot ang kamay ni Divine sa braso ng nakapikit at nakikinig ng music na si Vane.

Nagmulat ito ng mga mata, tumingin sa kanya bago walang ganang tumango.

"That's great may gusto ako mapanood na movie." Excited na sabi ni Stephanie.

"Kami lang ni Vane--."

"Oo nga matagal-tagal na rin simula ng manood tayo ng sine." Si Chezter.

"But--."

"That's cool in ako." Si Stephano.

"Okay mall tayo mamaya." Sabi naman ni Barbie.
Mula sa hawak nyang salamin nakita nya ang pagsimangot ni Divine.

Inis na inis naman si Divine, dapat sila lang ni Vane pero sumabit na naman ang apat.

"Good morning." Masayang bati ni Stendi na pumasok sa loob kasunod si Mik at Vox.

"Anong nangyari sa mukha nyo?"tanong ni Stephanie.

Parehas kasing may pasa at sugat sa pisngi ang tatlo.

Nakatawang umupo sa mga bakanteng upuan ang tatlo, na sa harap lang ng lima.

"This?" Itinuro ni Stendi ang pasa sa may panga. "Nothing, napaaway lang." Dugtong nya sabay kuha sa salamin na nasa kamay ni Barbie at ineksamin ang mukha.

"Wala pa kayong isang araw dito may nakaaway na kayo. Goodluck talaga sa inyo sa mga Elder." Iiling-iling na sabi ni Barbie.

Ngisi naman ang sinagot ng tatlo sa kanya.

"O bakit nay dala kang gitara?" Takang tanong ni Chezter sa pinsan na si Mik.

"Ah ito ba? Gagamitin ito mamaya ni--." Natigil sa pagsasalita si Mik ng mula sa pinto pumasok din si Ysa na tulad ng tatlo ay may pasa  at sugat sa mukha.

Nagkaruon ng bulungan sa paligid, nagulat sila kasi hindi naman nila kaklase sa klaseng iyon si Ysa.

"Anong ginagawa nyan dito?" Taas kilay na tanong ni Divine.

Tumingin rito si Vox. "Pinabago namin ang schedule nya para kaklase namin sya sa lahat ng klase namin."

"you mean magiging klasmeyt na din namin sya dahil iyong schedule namin ang ginaya nyo?" si Barbie.

Si Mik ang sumagot. "Yup."

Sagot na hindi nagustuhan ni Divine.

"What hapenned to her face?" Tanong ni Chezter.

"Oh that, sya ang nagsimula ng away back-up lang kami."

Kinawayan ni Stendi si Ysa at itinuro ang upan sa tabi nito, sa mismong harapan ni Vane.

Wala ganang naglakad si Ysa papunta ruon.

Tulad ng dati nagtama ang mga mata nila ni Vane, sandaling tinignan nito ang mukha nya bago muling bumalik sa kanyang mga mata.

Tumayo ang tatlo at hinintay na makaupo sya habang inaabot ni Mik ang bag nya. Ngunit bago iyon sinikmuraan nya  muna ito.

Nanlaki ang mata ng lahat, napauklo si Mik habang natawa naman si Stendi at Vox.

"Sinong gago ang may sabing pakialaman nyo ang schedule ko?"

"Geez... h-hindi ako ang nakaisip non boss si S-stendi, ako lang ang malas na natalo sa jack en poy."

His Innocently Lethal YSADonde viven las historias. Descúbrelo ahora