5. Ikalawang Yugto 2

51K 1.4K 83
                                    


For
@nadia Adviento
@salbahengLukaret
@Stolen_shot

Maraming salamat sa inyo Guys😊.






*****

"Sinabi ko na sayo, hindi ko hahayaan na manalo ka rito."

Diniinan ni Ysa ang hiwa na nagmula sa hunter's knife na hawak ni Divine. Sa kaliwang balikat nya tumama iyon, malalim ang hiwa dahil sa patuloy na pagdugo kahit na anong diin ang gawin nya.

Nasa tuktok na sila ng lighthouse, dalawa na lang sila natira. Nag-umpisa ang stage 2 na halos silang dalawa ang nangunguna, may mga humarang, may mga sumugod ngunit pareho silang determinado ni Divine na makarating sa dulo. Kahit ang mga patibong na nagkalat sa loob ng parola ay nagawa nilang lampasan.





*****

"Hindi ko hahayaan na makuha mo sya," galit na sabi ni Divine sa kanya. Nagigirian sila sa makipot na hagdan na patungo sa taas.

Malakas ito at mabilis talaga ang babae, magkaganon man kahit masakit ang mga sugat at napinsalang paa nagagawa nya itong sabayan.

Binangga sya nito, sumadsad sya sa pader, lumubog ang ang brick na nadiinan nya.

Sabay silang natigilan ni Divine ng  makarinig ng kakaibang at sabay na natumba ng iyong hagdan na tinatapakan nila ay naging tila escalator na gumalaw pababa.

"Shit," mura nya ng maitukod ang tuhod  para iwasan ang paggulong. Nang lumingon sya sa likod nya, parang domino ang mga Hunter  na nasa huli nila na nawalan ng panimbang dahil sa paggalaw ng hagdanan.

Mabilis syang tumayo at ibinalanse ang sarili sa gumagalaw na inaapakan at saka tumakbo pataas.

Nakita iyon ni Divine na kumilos rin para habulin sya.

"Woa nakakapagod umakyat sa hagdanan na pababa," she said tagaktak ang pawis nya ng makalagpas. Huminga sya ng malalim, saka naglakad patungo sa isa pang hagdanan.

Pagtapak nya sa unang baitang mabilis syang yumuko ng may lumipad na balisong mula sa kaliwa nya, napatingin pa sya sa pader ng bumaon iyon doon. Hinimas nya ang kaliwang braso. "Muntik pa ako magkabutas sa braso."  Sabi nya.

Sampung baitang lang ang hagdan na iyon mas kaunti kesa sa nauna,  pero sigurado sya na may mga patibong sa bawat baitang na aapakan nya.

Dahan-dahan na iginalaw at iniapak nya ang isang paa sa susunod, habang nakikiramdam sa paligid nailapat nya na iyon, walang nangyari. Sunod nyang iniapak ang isa pang paa. Eksaktong pagtuntong nya, nagdatingan ang mga Hunters na na nakalagpas sa naunang hagdan  kabilang si Divine.

"Wait lang mga ate---." Pigil nya sa mga ito, walang pumansin sa kanya. Nasa sampung mga Hunter ang nagmamadaling umakyat  itinulak at tinabig pa nga siya napakurap-kurap na lang sya sa mga sunod na nasaksihan.

May tinamaan ng balisong sa tagiliran. May bumitin sa ere ng maapakan ang isang tali.
May gumulong pababa ng tamaan ng lumilipad na bola ng baseball . Ang isa ay  napasigaw ng  masunog ang  kanang paa ng bigla nalang bumuga ng apoy ang ilalim ng baitang na tinapakan nito at may nawalan ng malay ng  mabugahan ng itim na usok ng makatuntong sa pinakatuktok ng hagdan. "...may mga patibong." Pagtatapos nya sa sinasabi nya kanina. Napakamot na lang sya sa ulo walang natira gising sa sampung Hunter, napatingin sya kay Divine na nasa tabi nya at natulala sa nasaksikan, napatingin din ito sa kanya, nginitian nya ito ng matamis bago sinabi ang mga katagang "mauna na ako Lady Divine," tumakbo sya segundo lang nakatakbo na rin ito.

Dahil nakita na nila kung nasaan at kung ano-ano ang mga patibong walang kahirap-hirap na naiwasan na nilang dalawa iyon. Hanggang sa makarating sila sa dulo. Tulad ng inaasahan may usok na bumuga sa paligid, she held her breath at tinakbo ang pinto na patungo sa Light room, naitulak na nya iyon pabukas ng maramdaman nya ang paghiwa ng kung ano sa balikat nya.

His Innocently Lethal YSAWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu