1. BEV

133K 3.1K 1.3K
                                    

Inilibot ko ang tingin sa buong school ground.

"Infairness malaki din itong Maligdan College." naisip ko habang naglalakad sa paligid.

Huminga ako ng malalim.
"Sana maging maayos masaya at tahimik ang pamamalagi ko dito hanggang makapagtapos ako."

Unang araw ko at excited na ako sa magiging araw ko.

I'm Angelique Ysa Fuentebella Santiago. Fourth year collage sa kursong Business Administration 23 years old.

May napapansin lang ako dito sa eskwelahan na ito, parang nahahati sila sa dalawang grupo.

Pagkapasok ko palang kasi may nakasalubong na akong mga estudyante na nakasibilyan but with a traced of red sa mga suot na damit.

Hindi sila pare-pareho ng suot iyong isa pula ang pantalon. May nakapulang palda, may nakapulang polo, short, sumbrero at bag.

Iyong isang grupo na nakita ko nakasibilyan din pero kulay asul naman ang sinisigaw ng mga gamit at suot.

Nagtataka kayo kung paano kong napansin iyon no. Sabihin na natin na I'm a very observant person, kaya madali kong napapansin ang mga bagay-bagay.

Napansin ko rin na may mga naka unipormeng tulad ko pero mas lamang ang mga nakasibilyan.

"Dont mind them Ysa, basta dapat umiwas ka sa gulo, andito ka dahil gusto mong maranasan na magkaruon ng tahimik at payak na buhay."

Inayos ko ang bilog na bilog na puting salamin ko mata at pumasok sa building kung saan ang unang subject ko.

May mga napapatingin sa akin. Titignan nila ako mula ulo hanggang paa tapos magc-comment sila.

"Bago? I wonder kung saan sya mapupunta."

"Sus mukhang mahina, tignan mo ang payat at mukhang nerd pa sigurado akong magiging Elf yan."

"Ewww sana hindi sya sa atin mapunta hindi sya bagay sa grupo natin."

"Hey cute naman sya kapag naging elf sya kukunin ko syang personal Elf ko."

Eh? Ano kaya ang pinagsasabi ng mga ito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ko.
Isa pa sa mga napansin ko iyong mga nakauniform nakayuko at yumuyukod kapag may nakakasalubong na sibilyan.

"Anong ganap dito?"

Nakarating na ako sa silid ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang walang nakapansin sa akin ng pumasok ako. Kanya-kanya kasi ng ginagawa ang mga klasmeyt ko.

Parang hindi nga klasroom ang pinasok, grabe ang ingay.

Sa likod ako umupo.

Napa yes pa ako ng mahina ng hanggang sa makaupo ako wala man lang pumansin sa akin.

Nagpatuloy lang sila sa maingay na kwentuhan, puro rin nakaasul ang mga nandito wala akong nakitang naka pula.

Tahimik naman akong humikab.

Syete inaantok ako.

Tatalungko sana ako nang biglang tumahimik ang paligid, nagtatakang umayos ako ng tayo.
"Andyan na sila." Narinig kong sabi ng isa kong klasmeyt.

Ang silang sinasabi nya ay ang limang estudyante na papasok ng classroom.

Unang pumasok ay ang isang lalaking chinito na halos mawalan na ng mga mata sa kakangiti sa mga babaeng kong kaklase.

"Hi Chezter."

"Hello girls."

Sunod na pumasok ay ang babae na koreana yata mahinhin itong ngumiti at bumati.

His Innocently Lethal YSAWhere stories live. Discover now