52. Si Bev at Si Miss

57.9K 1.7K 287
                                    

Hello kay
Ms. Wendy Lucena
Ms. Aljeah Bartolome at
Ms. MisYellowBell salamat po sa suporta😊😊😊😊.

Like I said sa Fb acct ko magpapalit ako ng Book cover 😊😊😊 pa pm na lang po sa akin doon kung may ibibigay kayo😊 pm po ha. *favor kung pwede kilig pose po hehehhe*

Thankie😊


*****

Ilang segundo na sinanay ni Ysa ang mga mata sa dilim. At nang medyo makaaninag, nagsimula na syang maglakad sa deretsong daan na nakikita nya.

Hawak ang susi sa kaliwang kamay, paika-ika syang naglakad. Naglakad sya ng naglakad hangang sa isa uling gate ang nakita nya sa pagkakataong iyon maliit iyon. Mataas lang ng konti sa kanya.

Ngunit hindi tulad ng sa malaking gate tatlo ang susian niyon. Isa para sa susing hawak nya, sumunod ay hugis bilog habang hugis diyamante naman ang isa.

Kinuha nya ang mga simbulong hawak sa loob ng de-zipper nyang bulsa, una nyang inilagay ang susi, pagkatapos ay ang coin then the black diamond. Napaatras sya ng tumunog ang tarangkahan at mabilis na bumukas. Naitaas nya ang kanang kamay, iniharang sa mga mata ng masilaw sya. Kung madilim sa kinaroroonan nya maliwanag naman sa kabilang panig ng gate na binuksan nya nang makapag-adjust ulit ang mga mata nagsimula syang humakbang.

Nasa loob sya ng isang kweba, isang malaking kweba na may naglalakihang  spotlight at lighting fixture sa paligid, sa mga ilaw na iyon nanggagaling ang nakakasilaw na liwanag ng lugar.

"Congratulation Hunter Santiago ikaw ang opisyal na nakapasa sa stage 2 at ngayon ay maglalaro sa stage 3," Boses na umalingawngaw sa buong kweba eksaktong lumapat ang dalawang paa nya sa loob. "Meron kang sampung minuto para magpahinga at gamutin ang mga sugat mo gamit ang medicine kit na  nasa paligid lang," inilibot nya ang tingin sa paligid. Nakita naman nya ang medicine kit na nasa kanang tagiliran limang dipa ang layo mula sa pwesto nya. "Sa stage 3 kailangan makuha mo ang singsing na hawak-hawak ng taong makakalaban mo. Kailangan maisuot mo iyon sa daliri mo, hindi lang basta nakasuot dapat nakaluhod ang kalaban mo sa iyong harapan habang ginagawa iyon. Kapag nangari iyon, kikilalanin ka na Hunter na nakahuli sa Prey nya. Master Vane will be yours at opisyal na matatanggap ka bilang isang miyembro ng Family. But kapag ikaw ang napaluhod sa harap ng kalaban mo game over ka, ang pagkakataon na makuha ang Prey mo ay nakawala na sa iyong mga kamay." Napatango-tango sya sa habang pinapakinggan ang tinig na iyon.

"That's all Hunter sana magtagumpay ka." After that tumahimik na ang paligid.

Umecho ang paghakbang  nya nang  maglakad sya papunta sa medicine
Kit naupo sya sa batuhan na naroon at inilabas ang mga gamit at gamot  na kailangan nya. Ginamot nya ang mga sugat na natamo.

"Mula ng makilala ka puro sakit na lang ang nararamdaman ko, mentally & physically, nasaktan ako nang naging malamig ang pakikitungo mo sa akin," she said loudly habang bine-bendahan ang hiwa na gawa ni Divine. "Nasaktan ako nang ipagtabuyan mo ako, nasaktan ako ng makita kong may iba ka babaeng niyayakap at hinahalikan, nasaktan ako ng hindi mo ako pagkatiwalaan, nasaktan ako ng nakipag-break ka." tumawa sya ng pagak. "At hanggang ngayon kahit hindi na kita boyfriend nasasaktan parin ako, nasusugatan." Tinapos nya ang paggagamot sa sarili at sumandal sa bato. Nakaramdam sya ng bahagyang kaginhawaan ng lumapat sa malamig na bato ang nanakit nyang likod. Pumikit sya. "Ngayon nandito ako huling laban na at naghihintay sa maka-kalaban ko, itaga mo sa bato madadagdagan itong mga sugat at sakit sa katawan na meron ako. Ang tanong ko are you worth it? Karapatdapat ka ba sa mga sakit na pinagdadaanan ko? Andito ako handang patunayan na para sa akin ka." Tumawa sya ulit habang nakapikit. "Teka parang nadadaya na ako ilang beses ko na yatang pinatunayan na karapatdapat ako sayo," nagmulat sya "pero ikaw parang ni isa hindi pa pinapatunayan na karapatdapat ka sakin, balik-balikan ko man ang lahat ng nangyari wala talaga ako maalala. Nagda-dalawang isip na tuloy ako kung lalaban pa." Tumingin sya sa orasan na naroon, four minutes bago matapos ang sampung minuto. "Pero dahil naandito na nasa huling yugto na, tatapusin ko na. Sana lang huwag mo nang sayangin, nakakapagod din kasi Bev... nakakapagod na."

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon