49. Unang Yugto part 2

50K 1.6K 164
                                    

Maraming salamat sa Book cover😊

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Maraming salamat sa Book cover😊




















****

Inilublob ni Ysa ang  mukha sa batis na nakita, wala syang  pakialam kahit mabasa ang damit.  Ilang segundo inilubog nya ang ulo nya duon.

Kumikintab sa tama ng sikat ng araw ang mukha nya nang kanyang iangat  dahil iyon sa  butil-butil na tubig na tila maliliit na kristal na nagbibigay ng kislap doon. And when she looked up at the camera Vane heart stop.

Hindi kumukurap ang binata habang nakatingin sa babaeng tila wala sa isang labanan, para lang itong nagp-picnic na nahiga pa sa damuhan pagkatapos maghilamos.

"Kapag pinagpatuloy nya pa iyan mahuhuli na sya nakalimutan nya na bang may oras sa paghahanap ng mga simbolo?" Komento ni Stephano.

"Hindi rin sya dapat maging ganyan ka relaks anytime baka may umatake sa kanya." Si Chezter.

"Alam ni Boss kung anong ginagawa nya." Si Stendi na nagsalita mula sa likod ng anim. "Hi Guys." bati nya ng lingunin sya ng mga ito.

"Stendi."

Sa tabi ni Stendi nakaupo si Razor na ang tingin ay na kay Rolf kaagad. Namula ang mukha ng babae ng magtama ang mga mata nila ng binata.

"Kanina pa kayo dyan?" Tanong Barbie.

"Yup, mula umpisa. Hindi nakasama iyong iba, may project na inaasikaso. Kilala nyo naman siguro si Razor no?"

Binati ng lima ang babae kinamayan, maliban kay Rolf na tinanguan lang ito.

"Sino ka?"

Sabay silang napatingin sa monitor kung saan pinapakita si Ysa.

Nakatayo na ngayon ang babae at nakaharap sa taong nakaover all black, sa harap ng damit nito nakatatak ang letrang F in capital. Nakatakip din ang mukha nito at tanging ang mga mata at ilong lang ang nakalabas.

"Wow ang galing mukha kang ninja kuya." Si Ysa.

Natigilan naman ang estrahero. Hindi niya inaasahan na malalaman kaagad ng babae kung ano ang kasarian nya.

Hindi sya nagkomento itinaas lang ang hawak.

"Hala, chocolate." Usal ni Ysa ng makita kung ano ang hawak ng lalaking nakaitim.

Chocolate bar nga ang hawak ng lalaki. His name is Purple Reign. Reign para sa mga kapwa nya FSS o Family Security Soldiers. Isa si Reign sa magagaling na Security soldier at miyembro ng Knight Hunters.

Ang misyon nya ngayon sa Hunting Game ay hawakan ang simbolo ni Master Vane. Ipakita sa mga Hunters para makipaglaban sa kanya.

Binantayan nya na ang babaeng ito the moment na makita nya itong nakikipaglaban sa puno she looks like a good fighter, so strong, and clever ng lansihin nito ang mga kaagaw sa black diamond. Ito ang nilapitan nya because  he want to see kung hanggang saan ang kaya nito.

His Innocently Lethal YSAWhere stories live. Discover now