22. Sa harap ng Lahat

65.5K 1.7K 543
                                    

*****

Sarap na sarap ako sa paglantak ng pizza ng biglang pumasok ang isang Elf na dali-daling lumapit sa grupo ni Rolf.

"M-master..." hinihingal na sabi ng Elf.

"Anong kailangan mo?"

"Pinapasabi po ni M-master Vane na p-papunta daw po ang mga elders dito, kasama ang...ilang member ng  Family."

Nanigas bigla si Rolf habang ako humaba ang tenga dahil narinig ang pangalan ni Vane.

Elders? As in matatanda. Parang narinig ko nang nabanggit nina Bev iyon ah.

"Nasaan na sila?" Tumatayong sabi ni Rolf.

"Papasok po sa compound ng MC."

"Gathered all the student na naandito ngayon. Ilagay sa puwesto ang lahat gusto kong maayos na sasalubungin ang Family at Elders." Utos ni Rolf kina Gladys at Raquel na mabilis ding tumayo.

Mabilis na lumabas si Rolf kasunod si Gareth at Richard.

"Lahat kayo labas, go to the school ground. Iyong mga Elf sa kaliwang dulo pumila at iyong mga KH at BW sa kanang bahagi." Utos ni Gladys na sinunod naman ng lahat.

Ako patingin-tingin lang.
Patuloy sa pagkain at pagnguya.

Nakita ako ni Gladys, galit syang lumapit sa akin.

"Hoy stinky nerdy elf! Ano pang ginagawa mo dyan!"

"Eh? Kumakain po."

Bumakas ang pagkayamot sa mukha nya.

"Hindi ako bulag alam kong kumakain ka. Hindi mo ba narinig ang utos ko!"

"Hala, wala naman po akong sinabing bulag kayo, at hindi naman po ako bingi, narinig ko po ang mga sinabi nyo."

Hinila nya ang kuwelyo ng suot kong uniform.

"Narinig mo naman pala eh bakit hindi ka pa sumusunod?"

"Kasi po kumakain pa po ako. Sabi kasi ng mama ko, bago umalis sa hapag dapat wala ng laman ang platong pinagkainan, eh may laman pa po kasi iyong plato ko." Nakangiting sabi ko.

Patulak nya akong binitawan.

"Ayan lang ba ang problema mo?" Lumayo sya sa akin at sinipa ang mesang kinakainan ko.

Lumipad ang plato at baso na nakapatong ruon.

Awtomatikong kumilos ang katawan ko.

Bago tuluyang bumagsak sa lupa nasalo ko na ang isang hiwa na lang na pizza together with it's plate. Iyong pineapple juice ko na nangangalahati na ay nasalo ko rin tumalsik pa at nagmantsa sa uniform ko ang inumin..

"Woa muntik na iyon ah."
Napatingin ako kay Gladys nakaawang ang labi nya habang nakatingin sa akin, ganon din si Racquel at ilang estudyante na natira sa loob ng canteen.

"P-paano mong--" si Racquel.

Tinignan ko sila ibinaba ko iyong baso sa kinauupuan ko kanina at kinagatan iyong pizza inubos ko iyon sa loob lang ng tatlong kagat.

"Sabi rin po ng mama ko masama daw magtapon ng pagkain." Sabi ko habang ngumunguya. Kinuha ko iyong juice at uminom, napadighay pa ako pagkatapos. "Oppss excuse me." Yumukod ako. "Tapos na po ako punta na akong school ground." Saka ako ngumiti ng matamis sa kanila at naglakad palabas.

"Kakaiba talaga iyang Elf na iyan." Si Racquel habang nakatingin sa pintong nilabasan ko.

"Nakakairita kamo." Badtrip naman na sabi ni Gladys na sinipa ang mesang nakatumba. "Hoy ikaw ayusin mo ito!" Pasigaw na utos nya sa isang babaeng Elf na takot na sumunod.

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon