44. Tayong Dalawa

67.7K 1.8K 262
                                    

Tinignan ni Ysa ang mga estudyanteng nasa harap niya.

Tulad niya madungis at may mga sugat narin ang mga ito.

Higit fifty ang nakuha nina Chezter na tutulong.

Halo-halo may babae, may lalaki, iba-iba ang year, iba-iba ang edad, may miyembro ng gang at may Elf.

Iisa lang ang hangarin nilang lahat. Mabawi ang MC at ang Maligdan.

Sa pangunguna nila ni Vane na clear nila ang building na unang pinuntahan, alam narin ng mga kalaban na may grupo ng mga estudyante na handa ng lumaban pero hindi pa alam ng mga ito na ang namumuno ay ang lider ng KH at BW.

"Uulitin ko. Hindi na ito basta away gang lang, hindi na isang laro. Ito ay laban hanggang kamatayan at gusto kong sigurado kayo na sasama sa pagkilos na ito." Sabi ni Vane na nakatayo sa gitna kasama si Rolf.

"We will fight till the end." May sumigaw na isa na sinundan ng iba pa.

"Papatayin namin lahat ng may kinalaman sa pag sira sa MC sa mga nanakit sa aming mga estudyante at pumatay sa mga malalapit sa amin. " dagdag pa ng isang babae na may kayabangan ang tinig.

Nagsigawan ang lahat bilang pagsang-ayon. Lahat determinado na magawa ang misyon, patayin ang mga  DMC na naandito sa lugar na ito.

Kumunot ang noo nya lalo na ng may isang nagsabi na, lahat ng makikita nitong kalaban ay babarilin nito sa ulo para siguradong patay.

Mula sa pagmamasid sa gilid lumapit sya sa gitna. Doon sa pagitan ni Vane at Rolf sya pumuwesto.

"Stop it." Katamtamang boses ang ginamit nya pero ang awtoridad doon  ay bakas na bakas kaya natahimik ang lahat.

"Sigurado ba kayong handa kayong pumatay sa labang na ito?" Panimulang tanong nya.

"Ano na naman iyan Ysa." Si Divine ang nagreact. Hindi niya ito pinansin.

"Hindi biro ang pagpatay. Mukha  lang syang  madali pero kapag natalsikan ka na ng dugo nang taong pinatay mo, habang buhay na babalik-balik sa isip mo ang mukha ng mga taong pinatay mo. Handa ba kayong bumaril sa ulo...sa dibdib. Kaya nyo bang gawin iyon?"

"Ano sa tingin mo babarilin namin sya sa paa?" Nang-aasar na tanong ng isa

Bumunot sya ng baril at itinutok sa nagsalita, na isang babae namutla ito ng mabasa ang kaseryosohan sa mukha nya.

"Ysa." Sabay na sabi ni Vane at Rolf.

"Kapag nasa harap mo ang kalaban at tulad mo may takot rin sa mukha nya habang tinututukan mo ng baril, makakaya mo ba syang paputukan? Sa tingin mo ba hindi ka dadalawin ng  mukha nya sa panaginip." Nagpaputok sya na kinatili ng ilan at kinayuko ng iba.

Nanigas sa takot ang babaeng estudyante.

Bumagsak sa tabi nito ang isang DMC na may hawak na baril kanina at handa sana iputok sa kanila.

Namimilipit itong nakahiga sa lupa,  habang hawak ang kamay na dumudugo, nasa di kalayuan ang baril nito na tumalsik pagkatapos nyang barilin ang kamay nito.

"Hindi biro ang pumatay. Hangga't maiiwasan patamaan nyo lang sa paa o disarmahan." Tinitigan nya ang lalaking may takot ang mga mata na nakatingin sa dulo ng baril nya. Lumapit sya rito.

"We're not the bad one here kung ayaw nyong magulo ang buhay nyo at habang buhay na makita ang mukha ng mga taong oo nga at hindi nyo kilala pero paulit-ulit naman na dumadalaw  sa panaginip nyo, ang mas maganda nyong gawin ay  patulugin na lang ang kalaban." Saka nya malakas na sinipa sa mukha ang lalaki dahilan para lumupaypay ang katawan nito.

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon