19. Taguan

65.5K 1.7K 190
                                    

Ang ayoko sa lahat iyong nasasaktan ako, pagkatapos ay dadalhin sa hospital.
Ayoko ng pakiramdam kapag bagong gising, iyong parang ang bigat-bigat ng katawan mo.

Iyong parang pasan mo ang buong mundo...

Iyan ang eksaktong nararamdaman ko ngayon habang nakapikit.

Gising na ako at alam kong nasa hospital ako base sa amoy ng paligid.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata.

Nakakasilaw talaga sa mata itong puting kisame ng hospital ang sarap dumihan.

Inilibot ko ang tingin ko.

Walang tao kaya napanguso ako.

Ang daya, di ba kapag nagigising iyong bidang babae nasa tabi nya na kaagad iyong bidang lalaki...nag-aalala.
Eh asan si Bev?

Bumangon ako mula sa pagkakahiga.

Huminga muna ng malalim ng ilang beses bago tuluyang nawala iyong mga sakit na nararamdaman ko..

Nakasling na ulit iyong kaliwang braso ko at may benda ng nakabalot sa tagiliran kong may bakas ng dugo.

Tinignan ko ang likod ko.

Nakahinga ako ng maluwag, dahil hindi tinamaan ang tattoo ko.

Asan kaya ang mga damit ko?

"Bakit bumangon ka?" Mula sa pinto ay pumasok si Barbie, kasunod sina Stephanie na naka sling din ang braso, si Stephano at Chezter.

Hinintay ko na may pumasok pa, pero isinara na ni Stephano ang pinto.

Waaa bakit wala si Bev?

"Hoy Nerd bakit bumangon ka na?" Tanong ulit ni Barbie.

"Ayaw ko na pong humiga eh." Sagot ko.

"You need to lie down Ysa. Mahina pa ang katawan mo. In fact two days kang tulog medyo nabigla iyong katawan mo sa mga nangyari."

Hala two days! As in two days akong di nakasilay kay Bev!

"Huwag nyo hong pansinin ang katawan ko, papansin lang po iyon." sa sinabi kong iyon I earned a glared from Barbie.

"Si Bev po?" Tanong ko.

Nagkatinginan sila.

"Ah... wala sya. May inaasikaso syang importante." Sagot ni Stephanie.

Biglang lumungkot ang mukha ko.

"Ang daya bakit hindi nya ako hinintay na magising?"

Nagtinginan ulit sila.

"Hindi ka ba galit sa kanya?" Si Stephano.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Hala! Bakit? Hindi naman ako inaaway ni Bev ah."

Bumakas ang di pagkapaniwala sa mukha nila.

"After what you been through?" Chezter exclaimed.

Kumunot ang noo ko.

"Eh? Bakit ano po bang pinagdaanan ko."

Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata nila.

Wow ang galing... sarap kunan ng picture.

"Tanga ka bang talaga!" Sabi ni Barbie. Binalingan ang tatlo at tinuro ako. "Look at her ang ganyan bang pag-iisip ay may kakayahan na magtraydor at manunog?" Napailing sya." Baka mauna nya pang sunugin ang sarili nya." Pagkuway bumaling sya sa akin. "Nadamay ka sa gulo, muntik kang masunog. Muntik na narape. Nabaril, pinagbintangang traydor. Ikinulong sa mabaho at madilim na kwarto. Nasampal, hindi pinainom ng tubig at pinakain. Nagtiis ka sa kwartong iyon ng halos isang araw. Hindi ba kagalit-galit iyon."

His Innocently Lethal YSAWhere stories live. Discover now