9. May Tinatago

73.7K 1.9K 539
                                    

For @houxen salamat sa support.

*****

Ang tahimik.
Lahat sila nakatingin sa amin.
Hinalikan ko si Bev na bukas ang mga mata ko kaya kitang-kita ko ang gulat sa mga mata nya.

"Anong ginagawa mo Ysa!"  Sikmat ko sa sarili.

Lapat lang naman ang ginawa ko hindi pa torrid kaya safe pa, kunyari natuwa lang ako.

Inilayo ko ang mukha ko sa kanya.

"Hehehe sorry po." Tumalon ako pababa mula sa pagkakabuhat nya.

"Nakita nyo ba iyon!"

"Oh my goodness! Hinalikan ng Elf si Vane!"

"Waaa inunahan nya ako! Ang kapal ng mukha."

"Magsyota ba sila?"

"Nice one Ysa!" Sa mga bulungan iyon nangibabaw ang sigaw ni Audrey.

Napatingin ako sa kanya.

"Anong one?"

"Pffft." Pigil naman ang tawa nito ng mapansin ang pagtataka sa mukha ko.

"Huwag mo nang isipin basta ang galing mo hahaha."  Lalo akong nagtaka ng natawa sya.

Nagkibit-balikat na lang ako at bumaling ulit kay Vane.

Sina Barbie, Stephanie, Stephano at Chezter ay laglag pa din ang panga sa ginawa ko.

"Bakit ba biglang-bigla sila sa ginawa ko eh ni kiss ko lang naman si Bev."

Unang nakabawi si Chezter, tinapik si Vane na matiim na matiim ang tingin sa akin.

"Nahokage ka ni Nerd pre." Natatawa nitong sabi

Namula naman bigla ang mukha ko sa mga titig ni Vane.

"Ah... kunin ko lang po iyong salamin ko Master." Mabilis kong kinuha ang salamin ko sa kamay nya at tumakbo pabalik ng court.

"Cutie! Asan ang kiss ko." Sigaw na tanong naman ni Rolf na nasa kabilang bahagi ng court na lalong nagpalakas ng bulungan sa paligid.

"Shit huwag mong sabihin pati si Rolf may gusto sa kanya?"

"Ano bang meron sa Elf na iyan?"

"Magpaka nerd na lang kaya ako para makahalik din?"

"Master hindi po puwede mapapalo na po ako ni papa ko." Sagot ko naman lagot talaga ako kay papa nito.

May mga tumawa sa pangunguna ni Chezter at Stephano.

"Ang unfair next time ako muna ang i-kiss mo bago iyang Montereal na iyan." Sabi ni Rolf.

Hindi kaagad ako nakasagot napatingin kay Bev na ang talim bigla ng tingin sa akin.

"Hala bakit?"

"Ayusin mo ang isasagot mo sa kanya Miss." Sabi niya pa.

Kumunot ang noo ko.

Si Rolf ba ang tinutukoy nya at ang tanong nito?

Paanong maayos na sagot ang gusto nya? Naguguluhan ako.

Tumingin ako kay Master Rolf na nakangisi  kay Master Bev.

"Ahmmm...kapag pumayag po si Master Bev i k-kiss ko kayo?" Patanong pa ang pagkakasabi ko sabay tingin kay Vane na umaliwalas ang mukha tumingin kay Rolf at ngumisi.

"Ang guwapo."

"Never! Hindi ako papayag na may humalik sayong iba. Ako lang Angelique Ysa. Ako lang."

His Innocently Lethal YSAKde žijí příběhy. Začni objevovat