15. Ayaw

66.9K 2K 268
                                    


Fuck! Shit! Damn! Huhuhu ang sakit-sakit ng balikat ko.

Nakapikit ako ng mariin. Halos pigil na nga ang hininga ko dahil sa sakit na nararamdaman ko mula sa na dislocate kong kaliwang balikat.

Tikom na tikom din ang bibig ko dahil ayaw kong magsalita dahil sigurado akong sunod-sunod na mura ang lalabas sa bibig ko.

"Miss..." napaigik ako ng gumalaw si Vane na kalong ako.

"Shit! Nasaan na ba ang ambulansya!" Tanong na pasigaw ni Vane sa mga naruon.

"What happened Montereal?" Napamulat ako ng nga mata ng may isang bagong tinig akong narinig.

Nakita ko ang isang middle aged na lalaki, may salamin sa mga mata at obvious ang pagkadugong korean.

"Papa!" -Stephano and Stephanie.

"Mr. Kim!" Chezter and Barbie.

Mr. Rain Kim ang head ng Martial arts & Defense Club. Nakikita ko syang nagtuturo, pero dahil hindi naman ako nagsign-up sa club na iyon hindi ko sya nakakausap o nakakahalubilo.

"She dislocate her left shoulder, tito." Sagot ni Vane. Tumatama iyong hininga nya sa mga labi ko dahil nakasiksik ang mukha ko sa leeg nya.

Pinagmasdan naman ni Mr. Kim ang balikat ko.

"Held your breath." Sabi niya sakin. "I need to see kung malala ang pagkakadislocate ng balikat mo. Vane tanggalin mo sa pagkakabutones ang uniform nyo."

"Tatanggalin?" Bumakas ang pagtutol sa mukha ni Bev.

"Yeah Montereal. Hindi ko maibabalik sa ayos iyan ng basta-basta I need to see it." Kunot ang noong sabi ni Mr. Kim.

"But..."

"Bev." Umalis ako sa pagkakasiksik sa leeg nya. "Naka sando ako." Sabi ko.

Tinignan ako ni Vane bago sya bumuntung-hininga at hinalikan ako sa noo.

Saka nya kinalas ang butones ng suot kong uniform.
Nagsinghapan sila ng makita ang balikat ko.
Distorted na iyon and I have
a hard knob under the skin of my shoulder palatandaan na nag popped out ang humerus o arm bone ko sa kanyang socket. This knob is the top of the arm bone that has popped out of its socket.

"Na dislocate nga. I can put it back pero sigurado akong magiging napakasakit niyon." Sabi sa akin ni Mr. Kim.

"W-wait lang po." Tinignan ko si Bev. "Master layo ka muna sakin."

"What?"

"Layo ka muna para hindi ko maramdaman ang sakit." Dahan-dahan akong umalis sa pagkakalong nya, ngunit pinigilan nya ako sa bewang.

"Anong bang pinagsasabi mo? No. Let me hold you."

Waaa ano ba sya. Si Bev naman paano ako makakapag-concentrate kung nasa tabi ko sya!"

"Dali na..." itinulak ko sya kahit nagkadangiwi-ngiwi na ako.

"No--."

"Let her go Vane." Napatingin si Bev kay Mr. Kim. "Just follow her. Can you see mas masasaktan sya kung papatagalin pa natin ito."

Tiim ang bagang ni Vane na muling tumingin sa akin.

Bago dahan-dahan nya akong inilayo sa sarili nya.

"T-tatayo din ako Master." Sabi ko. Salubong ang kilay na inalalayan nya rin akong tumayo, pagkatapos ay lumayo sya tatlong hakbang mula sakin.

I sighed, ipinikit ko ang mga mata ko. I blocked him in my mind. Binura ko ang mukha nya, ang tsokolate nyang mga mata sa isipan ko. And when I opened my eyes again. It's dull black, and expressionless.

His Innocently Lethal YSAWo Geschichten leben. Entdecke jetzt