24. Panganib, Sumpa at Pag-ibig

60.5K 1.8K 346
                                    

"Hindi nga ako papayag!" Dumagundong ang boses ni Vane sa loob ng kwartong iyon.

Si Bev pwedeng hindi naman sumigaw pero ayan ang lakas-lakas ng boses.

Nasa library kami ng main house kasama ang lolo nyang si Yvrez, si Severino at ang magulang nyang si Mr. Vryant Montereal at Mrs. Sophie Montereal.

Nang makapasok kami sa main house sinundan kaagad kami ng lolo nya at pinapunta sa library.

"Gagawin nya Vane gusto kong mapatunayan ng babaeng iyan na karapat-dapat sya sa pamilyang ito!"

"Hindi Sir! Hindi ako papayag sa gusto nyo!"

Grabe sila ang lapit-lapit nila sa isat-isa kung magsigawan akala mo ang layo.

Mula sa tahimik kong pag-upo sa isang single sofa tumayo ako at lumapit kay Vane na nakatayo sa tabi ng mesa ng lolo nya.

Nasa tabi ni Yverez si Severino na nakaupo rin.

"Ahmmm lolo bingi ka po ba?" Tanong ko sa lolo nya nang nasa tabi na nya ako.

Nanlaki ang mga mata ng dalawang matanda.

"Ang lakas ng loob mo! Ang lakas-lakas ng loob mo para tanungin ako ng ganyan!"

"Eh? Naku hindi po malakas ang loob ko. Hindi naman po kailangan ng lakas ng loob na tanungin kayo simpleng pagbuka lang po ng bibig ang pagtatanong." Sabi ko naman.

"Palayasin ang babaeng iyan!" Bigla namang tumayo si Severino habang itinuturo ang pinto.

Napakurap naman ako.

Sinong babae?

"Ialis mo dito sa Villa ang babaeng iyan!" Ulit nya sabay turo sa akin.

Ah ako pala iyong babae.

"Lolo bingi po ba kayo?"ulit ko sa tanong ko hindi kasi ako nasagot.

"At talagang inulit mo pa!" Si Severino.

Ang hilig talagang sumigaw ng lolo ni Master Rolf.

"Lolo kaya ko po inuulit kasi hindi po ako sinasagot ni isa pang lolo." Paliwanag ko sa kanya na kinanlaki ng mga mata nya.

"Ysa... umupo ka muna." Sabi sa akin ni Bev, na hinawakan ako sa braso.

Binalingan ko sya.

"Bev bingi ba ang lolo mo?" Tanong ko sa kanya.

Umiling sya. "No Miss he's not deaf."

Kumunot ang noo ko.

"Iyon naman pala eh, bakit sinisigawan mo si Lolo mo? Bev bingi lang ang sinisigawan, kung hindi naman pala bingi ang lolo dapat hindi nataas ang boses mo." Sabi ko sa kanya. Natigilan sya pagkuway ngumiti.

"Okay Miss." He said.

Ngumiti rin ako bago bumalik sa mesa.

Habang umuupo nakita kong nakatingin ang Mama ni Vane sa akin, ngumiti ako na ginantihan nya rin ng isang ngiti.

Nang ibalik ko ang tingin ko sa pwesto ni Vane, napansin ko na matiim ang tingin sa akin ng dalawang matanda, nakaupo na si Severino.

Ngumiti ako at kumaway.

Sabay nila akong inirapan kaya napatawa ako.

"Hindi ako papayag na sumali sya sa hunting game Sir."

Iyan ang kanina pa nilang pinag-uusapan at pinagtatalunan.

Ako,na sinasali sa hunting game.

Hunting Game.

His Innocently Lethal YSAWhere stories live. Discover now