28. Nagbago

82.1K 2.3K 489
                                    


~N~

Hirap na hirap sa binubuhat na kahon si Gen.Mga props iyon na gagamitin sa gaganapin na mini concert ni Divine.

Birthday kasi nito at dahil isa ito sa mga kilalang tao dito talagang pinaghahandaan iyon ng lahat.

Sa nakalipas na isang buwan si Divine ang tila naging reyna-reyhan dito.

Sinusunod ito ng lahat ng mga Elf, ng mga miyembro ng KH at BW.

Matapang kasi ito, magaling makipaglaban kaya mas lalong kinakatakutan.

Si Vane mas nakakatakot din ngayon, laging mainit ang ulo,  madaling magalit at mas madalas na nakikipag-away.

Nabalita sa buong Maligdan ang nangyari sa Villa. Pati ang pagka-postpone ng Hunting game.

Humigpit lalo dito sa MC, sa buong Maligdan at maging sa tatlo pang bayan.

Marami kasing nasugatan sa nangyari sa Villa, may ilan din na namatay kaya nagalit ang mga Elder.

Kahit naman sino hindi magugustuhan ang mga nangyari, kahit na sya... dahil sa nangyaring iyon nawalan sya ng kaibigan...nawala si Ysa.

Nakaramdam sya ng lungkot ng maalala ang kaibigan.

Simula ng mawala  ito pakiramdam nya may nagbago. Parang may kulang.

Hinahanap-hanap nya ang kainosentahan at ang mga nakakatawang banat nito.
Nam-miss nya si Ysa.

Hindi nya lang alam kung tanging sya lang ba ang nakakamiss sa dalaga.

Sa lalim ng iniisip nya napatid sya at nadapa.

"Ouch!" Nabitawan nya ang mga karton na bitbit.

Tulad ng dati pinagtawanan lang sya ng mga estudyante sa paligid. Isa pa ito sa mga nagbago mas lalong naging bully ang mga miyembro ng dalawang gang, namb-bully din kasi si Divine. Kaya gumagaya ang iba.

Bumuntung-hininga sya,  kumilos para tumayo at damputin ang mga kahon.

But then somebody beat her to it, walang kahirap-hirap na nabuhat nito ang dalawang karton  nang walang hinihinging tulong sa iba.

Nanlaki ang mga mata nya. Tumahimik din ang paligid at lahat nakatingin sa babaeng tumulong sa kanya.

"Y-ysa..."

Si Ysa nga ang nasa harap nya maikli na ang buhok nito, iyong dati nitong mahaba at magulong buhok ngayon hanggang baba na na lang, nakasuot din ito ng pulang ripped jeans, manipis at may kaluwagan na black long sleeve at blue canvass shoes, may hikaw din ito na ang design  ay roses pula at itim ang kulay niyon, ang kaibahan lang sa isang tenga nya lang nakasuot  habang ang kabila nyang tenga ay wala.

Nanibago sya sa pananamit nito, ngunit ang mas kinagulat nya ay ang isang pulgadang peklat sa pisngi nito, malapit sa baba.

"Y-ysa." Tawag nya ulit sa pangalan nito.

"Saan dadalhin 'to?"

Bakit ganon? Si Ysa ang kaharap nya ngunit bakit parang ibang tao ang nasa harap nya ngayon?

Hindi ito ngumiti katulad ng ginagawa nito kapag nagkakasalubong ang tingin nila. Basta tinignan lang  nito sya.

Iyong mga mata nito walang damdamin, walang kislap.

Ibang-iba sa mga mata nito dati.

"Si Nerd ba yan?"

"Oo si Nerd, ang lakas ng loob bumalik pa talaga."

"Maganda pala yan."

"Oo nga at sexy."

"Gen?" Tawag nito ng hindi sya ulit nakasagot.

His Innocently Lethal YSAWhere stories live. Discover now