18. Traydor 2

63.4K 1.8K 268
                                    

Para po sayo TotiFrancisco salamat po sa paglike sa mga gawa ko😊




*****

Chezter P.O.v

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Gusto kong iiwas ang tingin ko sa nagtatanong na mga mata ni Ysa na nakaupong  nakatali ang mga kamay ng patalikod sa isang bangko.

Kitang-kita ko ang pamimintana ng luha nya habang  nakatingin sa aming tatlo.

Ako, si Stephano at Vane.

Sa akin sya nakatingin dahil ako nagtatanong sa kanya.

Andito kami sa punished room.

Dito namin sya dinala pagkatapos naming isugod sa hospital sina Barbie at Stephanie.

Dito sa madilim at tahimik na kwartong ito, namin sya paulit-ulit na tinatanong.

"Uulitin ko Ysa bakit mo sinunog ang MC?" Ulit na tanong ko.

"Master hindi nga po ako ang sumunog sa MC." na sinagot nya rin ng kaparehang sagot.

"Kung ganon bakit, ikaw ang nakita sa camera na may hawak na gasolina." Itinuro ko ang monitor na nasa di kalayuan, kung saan makikita ang pigura nya na may hawak-hawak na dalawang galon ng gasolina.

Ayon sa report. Ang gasolinang iyon ang nagpasiklab sa apoy na na sinimulan sa record room .

"Itinabi ko lang iyan ng maglilinis ako, Master."

Iyong sagot nya, kahit paulit-ulitin ko ang tanong ay pare-parehas pa din.

Damn! Ayaw ko sanang gawin ito. Fuck!

Sinampal ko sya, sa lakas ng sampal ko napa-paling ang mukha nya pakanan.

Si Vane na kanina pa nakatingin sa pinto ay napaharap sa amin.

Nanlaki ang mga mata nya.

For a second akala ko susugudin nya ako dahil sa ginawa kong iyon.

Tumalim kasi ang mga mata nya.
Pati ang kanyang katawan ay pumormang parang susugudin din ako.
But then nawala din iyon.His face become cold and emotionless again.

"Ysa magsabi ka na ng totoo, masasaktan ka lang. Bakit mo sinunog ang MC? Sino ang nag-utos saiyo na gawin iyon?"

Umiling ang nakayukong si Ysa bago  muli syang  tumingala sa akin.

Bumakat ang kamay ko sa kanyang pisngi.

"Hindi ko po sinunog at wala pong nag-utos sa akin."

Napabuga ako ng hangin.

Uulitin ko sa na ang tanong ko ng lumapit si Vane kay Ysa.

Hindi lang ako ang nabigla  maging si Stephano din, nang pisilin niya ng mariin ang pisngi ng babae.

"Umayos ka ng sagot Elf. Sino ang nag-utos sayo? Sino ka bang talaga?"

Vane Cedric Montereal.

Hindi sya ang lider ng Knight Hunters para lang sa wala.

He's heartless...merciless.

Kilala at kinakatakutan sya ng mga KH, nang mga taong nakalaban nya.

Kaya nyang pumatay, basta kaaway. Kung ayaw mong  sumunod  sa gusto nya, siguradong malalagutan ka ng hininga.

Mula pagkabata hinubog na sya para maging pinuno. Tinuruan kung paano pumatay, lumaban at maging matigas sa lahat ng oras.

Kaya nakakabigla ang mga kinikilos niya sa harap ni Ysa. Unang pagkakataon na nakita namin syang ngumiti ng walang dahilan, mahaba ang pasensya  at maalaga.

His Innocently Lethal YSAKde žijí příběhy. Začni objevovat