29. Nakatuwalya

81.3K 2.1K 361
                                    

Wala nakitang Ysa na pumasok kinabukasan.

Muli kumalat ang balita tungkol sa mga nangyari sa cafeteria.

May naniwala, may hindi.

Mga Elf lang kasi ang nagk-kwento at nagsasabi, ang mga miyembro ng dalawang gang na nakasaksi sa nangyari ay tahimik lang at hindi nagbibigay ng komento.

May sabi-sabing kaya hindi na nakita si Ysa kinabukasan ay dahil pinaalis, meron namang pumasok lang daw ng isang araw ang dalaga para manggulo.

Marami pang mga kuro-kuro at tsismis ang lumabas, kung bakit walang Ysa na nagpakita.
Kaya naman nagulat ang lahat ng kinahapunan nakita ito na natutulog sa isang bench sa may hardin.

Ang sabi ng janitor kaninang umaga pa daw natutulog duon ang babae, at kahit anong ingay ang gawin nito ay nananatiling mahimbing ang tulog ni Ysa.

Matalim ang mga tingin ni Divine na nasa second floor kay Ysa na natutulog sa baba.

Galit na galit sya. Isang araw pa lang itong nakakabalik nagbago at nagulo na nito ang lahat, ito na ang pinag-uusapan, pinupuri ng mga lalaki at kinaiinggitan ng mga babae. Nag-iinit ang ulo nya kapag naririnig ang pangalan nito.

Hindi pwedeng ito ang bida, sya dapat, sya lang dapat.

"Mapapaalis ulit kita. Ipapahiya kita sa lahat. Sisiguraduhin ko na hindi mo na gugustuhin na bumalik dito. Pagkatapos ng mga gagawin ko sayo siguradong hindi ko na makikita ang pagmumukha mo."

Napangiti sya, hindi sya magpapatalo sa babaeng ito, hinding-hindi, sino ba ito kumpara sa kanya? Mas lamang sya, siguradong-sigurado sya dun.With that thought umalis sya sa kinatatayuan.

Kikilos na sya, the sooner the better, mas maaga nyang mapapaalis ang babae, mas mabilis na mailalayo nya ito kay Vane.

*****

Humihikab pa si Ysa habang naglalakad sa corridor.

Napasarap ang tulog nya,ang balak nya umidlip lang pero napahimbing sya.

Higit isang buwan nang wala syang maayos na tulog mapatanghali man o gabi.
Hindi sya makatulog... hirap syang makatulog.

Pero nang mahiga sya sa may bench kanina, pagkalapat pa lang ng likod nya sa kahoy na upuan tulog kaagad sya.

Pinakamahaba at mahimbing nyang tulog mula ng mangyari ang lahat.

May hinahanap ang katawan nya... may hinahanap-hanap sya.
At dahil nasa malapit lang ang hinahanap-hanap nyang iyon napapanatag sya at nakakatulog na.

Mapait syang tumawa,ang kaso iyong hinahanap-hanap nya hindi pa pwedeng maging kanya.

Kaya magtitiis syang laging puyat lalo na kapag wala sya rito sa MC.

Habang naglalakad may bumuhos sa kanyang likido, mabaho iyon at malagkit.
Nang tumingala sya, tatlong babae ang nakita nya, si Divine at ang dalawang babae na pamilyar ang mga mukha.

Kung hindi sya nagkakamali ang mga ito ang nagbanta sa kanya noon na lubayan si Vane, ang nagsabing hindi sya bagay sa binata. Nasampal pa nga sya.

Nginisihan sya ni Divine na ginantihan nya ng ngisi rin, dahilan para samaan sya nito ng tingin.

Nagbaba sya ng tingin at napailing-iling nalang saka nagpatuloy sa paglalakad.

Pinagtitinginan sya ng mga estudyante, nilalayuan dahil sa nasa katawan at amoy nya, wala naman syang pakialam basta naglalakad lang sya.

Kahit ng lumitaw sa kabilang pasilyo at masasalubong nya ang KH hindi nagbago ang tempo ng paglalakad nya.

Nagkatitigan sila ni Vane.

His Innocently Lethal YSAWhere stories live. Discover now