43. Umaasa pero Naninigurado

82.2K 1.8K 390
                                    

Entrada ng Maligdan.

Mula sa pagpupunas ng mga baril napatayo at napatutok sa unahan ang mga tauhan ng DMC na nagbabantay sa entrada ng bayan.

Isang sasakyan kasi ang papalapit na dumadagundong ang ingay dahil sa lakas ng patugtog ng sakay niyon.

Sa pangunguna ni Gino Reso sinenyasan nya ang mga kasamahan nya na maging alerto.

Huminto ang sasakyan dahil sa malaking harang na inilagay nila para masala ang mga papasok at lalabas ng Maligdan.

Higit isandaan ang nakabantay doon para mapigilan kung sakali man na magtatangkang bumalik at pumasok ang Family sa pangunguna ng mga apo ng Elders.

Malakas na kinatok ni Gino ang salamin ng sasakyan.

"Baba!" Galit nyang sigaw.

Mula naman sa loob. Kinuha ni Ysa ang pulang lipstick para ayusin ang kulay ng mga labi nya. Inayos nya rin ang kulay blonde na peluka na nasa kanyang ulo.

Makapal ang make up nya sa mukha at natatakpan niyon at pilat nya sa pisngi.

"It's show time " bulong nya bago lumabas.

Hinanda naman ni Gino ang hawak na baril handang paputukan kung sino man ang lalabas sa sasakyan.

Unang silip palang ng isang makinis at mahabang hita na ang mga paa ay nasasapnan ng three inches red sandals napalunok na sya.

Naglakbay muli ang mga mata nya pataas hanggang sa kalahati ng hita nitong nakalitaw sa maong short na suot, patungo sa manipis na puting t-shirt kung saan bakat na bakat ang kulay pulang bra ng babae.

"What the fuck? Kelan pa nagkaroon ng gwardya sibil here in Maligdan?" Sinandyang artehan ni Ysa ang pagsasalita.

"Sino ka?" Tanong ni Gino na naaakit sa magandang mukha ng babae.

"Like duh sa ilang taon ko here in Maligdan ngayon lang may nagtanong sa akin kung sino ako?" Inirapan ni Ysa ang lalaking ilan beses na nagpabalik-balik ang tingin sa katawan nya.

Hindi lang ito kundi ang iba pang lalaki na naroon ay nakatingin sa kanya.

"What's happening ba kuya? And it's that a gun?" Nanlaki ang mga mata ni Ysa. Biglang itinaas ang dalawang kamay. "Are you going to shoot me? Huwag naman kuya I don't wanna die pa eh."

Kumunot ang noo ni Gino ibinaba ang baril at lumapit kay Ysa na bakas ang takot sa mukha.

Ngumisi si Gino ng makalapit sa babae.
Hinagod ng mga daliri nya ang ang makinis na braso ni Ysa.

"Depende Miss kung taga rito ka papapasukin ka namin at hindi sasaktan. Pero kung miyembro ka ng isa sa mga gang ng Family, dito pa lang patay ka na."

"Gang?As in DK and BW ni Vane Montereal at Rolf Vasquez?" Lahat ng baril tumutok kay Ysa ng banggitin nya ang dalawang lalaki. Nahihintatakutan na napaatras sya.
"Hindi ako isa sa kanila. Do I look like a gangster to you?" Yumuko sya, may aabutin sa loob ng sasakyan.

May mga lalaki narin sa paligid at sinisilip ang loob niyon.

Si Gino na inaakalang kumukuha sya ng baril ay mabilis syang hinila at isinalya.

"Ouch! Don't" naitaas ni Ysa ang isang kamay para protektahan ang mukha ng itutok ng lalaki sa harapan nya ang baril. "Ahhh! Don't hurt me. K-kinuha ko lang iyong ID ko."

Hinablot ni Gino ang ID na nasa kamay ng babae.

Ella Fuentes.
Iyon ang nabasang pangalan ni Gino sa school Id ng babae. Fourth year Nurse student sa Maligdan at isang Elf.

His Innocently Lethal YSAWhere stories live. Discover now