50. Ikalawang Yugto

52.2K 1.7K 210
                                    

SheynieShin maraming salamat po sa suporta😊😊😊.


*****

"Daniel!" Sigaw ni Ysa habang pinagmamasdan ang naghihingalong kaibigan.

Daniel Red Gamboa her chilhood friend, her bestfriend. Anak ito ng tita Maelyn nya.

Ito ang nasilbing tagapagtanggol nya kahit na nga hindi nya kailangan, ito ang kasama nya sa mga kalokohan, her first crush ni minsan sa buhay ni Ysa hindi nya naisip na maghihiwalay sila, na iiwan sya nito at sa ganitong paraan pa, kung pwede lang maibalik  ang oras ginawa nya na.

"Ysa makakatakbo ka pa ba? " humihingal na tanong ni Daniel sa kanya, tumatakbo sila sa kakahuyan at hinahabol ng mga armadong lalaki.

Tumango sya habang palingon-lingon sa likod. Hating-gabi na iyon, tumakas sila ni Daniel para pumunta sa isang  party. Hindi nila inaasahan na nag-aabang ang isang grupo sa kanila. Ang Snake. Kilala nya ang mga ito, ito ang grupong napabagsak ng Mama nya noon.

Hinarang ang kanilang sasakyan at pinag-babaril nakalayo sila pero nawalan ng kontrol si Daniel na kinabangga nila at ikinasadsad sa loob ng kagubatan.

Kahit puro galos at sugat nagawa nilang makalabas ni Daniel at  tumakbo para sa kanilang kaligtasan.

Ngunit malas yata sila ng gabing iyon, nahuli sila, pinahirapan pinanood nya kung paano unti-unting pinapatay ang kaibigan nya. Hinampas ito, kinuryente, nilatigo binubutan ng mga kuko, inukitan ang balat. Katako-takot na hirap at sakit ang dinanas nito.

Sinaktan din sya, pero mas pinag-iinitan ng mga ito si Daniel dahil nagbitiw ng salita ang kaibigan nya na magagalaw lang sya ng mga ito kapag patay na ito.

Pinilit ni Daniel na huwag bumitaw. Pinilit nitong tuparin ang pangako na sasalohin ang lahat ng sakit na dapat ay para sa kanya.Pinagmasdan at pinanood nya ang kaibigan nya kung paano ito mamatay.

Grabeng galit, sobrang poot iyan ang naramdaman ni Ysa ng malagutan ng hininga si Daniel. Nagtagpuan nalang nya ang sarili na nakatayo at nilalabanan ang mga ito.

Sobrang init ng pakiramdam nya nanginginig sya sa galit, puro pula ang nakikita nya. Aware sya sa mga nagaganap, sa mga ginagawa nya pero hindi niya makontrol ang sarili, manhid narin sya at walang pakialam kahit na nga natatamaan at nasasaktan din, iisa lang ang nasa isip nya at iyon ay mapatay ang lahat ng taong nahahawakan nya.

Pinaranas ni Ysa sa mga kalaban ang niya ang mga naranasan ni Daniel, mas masakit, mas mahirap at mas madugo nga lang ang bersyon nya. Nag-enjoy sya sa sigaw at sa daing ng mga ito. Kahit barilin, suntukin at  saktan patuloy parin sya kumikilos para patayin ang mga ito, natapos ang araw na iyon na punong-puno at balot na balot sya ng dugo.

Sya si Angelique Ysa Fuentebella Santiago, labing-apat na taong gulang, nang araw na iyon kumalat ang balita tungkol sa walang-awang pagpatay ng isang dalagita, nang araw na iyon binansagan syang Innocently Lethal ng grupo nya, ibinansag din ng mga taong naging kaaway at kalaban nya pa.

Innocently Lethal alyas na naging kanya ng mawala ang pinakamatalik na kaibigan nya.

*****

Ang Oasis ay isang maliit na isla na parte pa din ng Villa, nasa gitna ito at mararating sa pamamagitan ng  bangka o paglangoy tinawag itong Oasis dahil minsang natuyo ang mga ilog na naandito at tanging tubig-dagat lang ang anyong tubig na mayroon.
Umalis ang mga miyembro ng Family na nakatira at ginamit na lamang na stage sa Hunting game. Sa Oasis matatagpuan ang isang malaking kweba, na may malaking tarangkahan, tarangkahan na bubukas lang para sa mga Hunter na nakapasa sa ikalawang pagsubok ng laro.

His Innocently Lethal YSATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon