Natahimik ang dalawang matanda, nagtinginan.

Bumuntung-hininga si Yverez. "Fine have it your way you can do whatever you want pero bear this to your mind lady hindi ka pwedeng lumabas dito sa Villa hangga't hindi pa natatapos ang isang linggo."

Kaya ang ending hindi parin sya nakaalis.

"Andyan po ba si Bev sa kwarto nya tita?" Tanong nya. Nang tumango ito lumiwanag ang mukha nya. "Waaa pupunta--"

"You know na hindi pa pwede, tradition remember." Paalala nito. Nakanguso tumango sya.

Sa nakalipas na oras pinaliwanag nito sa kanya ang dapat nyang gawin sa party mamaya. Tango lang sya ng tango excited na syang makita si Bev eh.

****

Welcome Party o mas kilala sa tawag na Wedlock Party ng mga taga Family.

Tuwing matatapos ang Hunting Game ginaganap ang Welcome Party kung saan ipapakilala ang mga bagong miyembro ng Family at pagbibigay sa kanila ng kanilang Prey.

Ginaganap ito sa pinakamalaking bulwagan ng Villa. Sa loob ng bulwagan may dalawang grand staircase na makikita. Dalawang hagdanan na nagdudugtong sa east wing at west wing ng bulwagan. Sabay na baba ang Hunter at Prey, ang Hunter mula sa East at Prey sa west.
Hindi pa sila pwedeng magdikit o mag-usap not until na matapos ang mga seremonya. 

Dahil walang nanalo at nakakuha kay Rolf. Si Vane lang ang pinakamataas na miyembro ng Family ang sasalang.
Sila ang huling tatawagin na lalong nagpadagdag sa inip ni Ysa.

"Hay naku anong oras pa ba matatapos itong party?" Palakad-lakad sya sa loob ng silid hinihintay ang magsusundo sa kanya.

At nang may kumatok sa kwarto na kinalalagyan nya kahit nakaheels at nakagown napatalon talaga sya.

"Finally."

"Ms. Ysa magready na daw po kayo." Sabi ng isang babaeng nakasuite.

Nakangiting tumango sya at naglakad pasunod rito.

Nang nasa puno na sila ng isang hagdanan a grand staircase to be exact napatigil sya ng may matanaw na pigura sa kabila.

"Bev..." bulong niya ng magtagpo ang mga mata nila. Gwapong-gwapo ito sa suot na tailored dark brown suite na may brown fitted shirt sa ilalim at brown pants ang pansapin naman nito sa paa ay isang traditional round toe leather shoes. Napakurap-kurap talaga sya dahil first time nyang nakita na naka formal attire si Vane.

"Waa ang gwapo-gwapo ng Bev ko." Kung pwede lang takbuhin nya na ang distansya nila ginawa na nya. Screw the party gustong-gusto na nyang mahawakan ang Bev nya.

"And please welcome Master Vane Cedric Montereal and his hunter Lady Angelique Ysa Santiago." Iyon ang cue para magsimula silang maglakad pababa ni Vane.

Naglakad si Ysa ng hindi inaalis ang tingin kay Vane ganon din ang binata sa kanya.

"So beautiful." Naisip ng lalaki habang walang kakurap-kurap na nakatingin sa babae. Nang mapasulyap sya sa baba nakita nya ang mga nanonood sa kanila na nakatingin kay Ysa especially  mga lalaki na may buong paghanga.

Hindi nya nagustuhan ang mga titig na iyon pero tulad ni Ysa kailangan nilang tapusin ang seremonya.

"Damn tradition."  Pero kahit ganon gusto rin ni Vane ang nangyayari dahil pagkatapos ng seremonyang ito wala na talaga makakaagaw sa babae.
"Just wait Miss."

Sa ibaba ng bulwagan nakatayo ng magkakaharap ang mga pares na nagtagumpay sa Hunting Game. Isang pila sa lalaki isang pila sa babae.

Sa mas mataas na bahagi sila naka pumuwesto ni Vane. Nangunguna sa iba.

His Innocently Lethal YSAWhere stories live. Discover now